COVID-19 reproduction number sa NCR tumaas – OCTA
- Published on July 22, 2021
- by @peoplesbalita
Tumaas ng may 11 percent ang average daily new cases sa National Capital Region (NCR) o may 701 mula July 13 hanggang July 19, mas mataas sa dating daily average case na wala pang 700 kaso sa nagdaang apat na linggo.
Ayon sa OCTA Research Team na ang pagbabagong ito ay isang bagay na dapat bigyang pansin ng pamahalaan dahil nakakaalarma ito kahit na masyado pang maaga para matiyak na magpapatuloy pa ang pagtaas ng kaso sa mga darating na linggo.
Ayon sa OCTA team ang Maynila at Makati ay pawang nakapagtala ng high reproduction numbers na mula 1.1 at 1.4.
“This indicates an increasing trend in new cases in these two LGUs. Manila had a one-week growth rate of 35% while Makati had a one-week growth rate of 29%,” ayon sa OCTa group.
Ilang LGUs na may one-week growth rates ay Valenzuela, Pasay, Marikina, at Parañaque.
Ayon sa OCTA group sa labas ng NCR, ang Mariveles ang nananatiling “very high risk” sa COVID-19 habang ang Davao City, Cebu City, Bacolod, Iloilo City, Makati, Cagayan de Oro, Baguio City, General Santos, Laoag, Lapu Lapu, at Butuan ay kinokonsidera nilang “high risk”.
Ang Maynila naman at Laoag ay may matinding pagtaas ng bagong kaso sa araw-araw habang ang Cebu City, Laoag, Lapu Lapu, at Mariveles ay may sobrang taas na infection rates.
-
Russian tennis player Daria Kasatkina inaming may karelasyong na kapwa babae
IBINUNYAG ni Russian tennis player Daria Kasatkina na ito ay gay. Ayon sa world ranked number 12 na siya ay mayroong nakarelasyon na isang babae na si figure skater Natalia Zabilako. Lumabas ang espekulasyon matapos na makita ang larawan ng dalawa sa social media. Dagdag pa nito naging mahirap […]
-
Ads January 15, 2020
-
VCM ng Smartmatic ‘di na gagamitin ng Comelec
HINDI NA gagamitin ng Commission on Elections (Comelec) ang mga vote counting machines (VCMs) ng Smartmatic sa mga susunod na eleksyon makaraan ang kabi-kabilang ulat ng pagkasira o pagloloko ng mga ito sa iba’t ibang polling precincts sa bansa. Sa pulong balitaan nitong Lunes, sinabi ni Comelec Commissioner Marlon Casquejo na ngayong May […]