COVID-19 sa Metro Manila nasa ‘moderate risk’ na
- Published on May 20, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ni Health Secretary Francisco Duque III kahapon na naibaba na sa ‘moderate risk’ ang buong Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng mga bagong kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Duque na ito ay dahil sa naitalang 39% COVID-19 growth rate mula Mayo 2-15 buhat sa dating 46% growth rate.
Bumaba rin ang attack rate sa 13.44 cases per 100,000 population sa parehong petsa buhat sa dating 24.9 cases per 100,000 population.
“Ibig sabihin nito, bumabagal na ‘yong pagdagdag o paglaki ng kaso,” paliwanag ni Duque.
Sa kabila naman ng pagbababa sa ‘general community quarantine with heighted restrictions’ ng Metro Manila, lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal, hinikayat pa rin ni Duque ang mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng ‘localized o granular lockdowns’ kung kinakailangan para maampat ang pagtaas ng mga kaso sa tukoy na mga lugar.
Bumaba na rin ang ‘healthcare utilization rate’ sa bansa sa 46% nitong Mayo 16 mula sa 54% noong Abril habang sa Metro Manila, bumag-sak ito sa 45% mula sa 68% noong nakaraang buwan.
-
Di man nagwagi sa 80th Golden Globes Awards: DOLLY, nairampa ang gown na gawa ng local designer sa red carpet
HINDI napigilan ang SPARKADA na si Vince Maristela na ipakita ang six-pack abs niya sa mediacon ng bagong GMA primetime series na ‘Luv Is: Caught In His Arms.’ Si Vince nga ang tinatawag na hunk ng SPARKADA dahil sa alagang-alaga ang katawan nito sa workout at diet. Binuking nga ng ka-partner […]
-
Mahigit 400 atleta dumalo sa test event ng Tokyo Olympics
Dinaluhan ng ilang dang mga atleta sa test event sa Olympic Stadium sa Tokyo. Isinagawa ng organizer ang nasabing hakbang para malaman nila ang ilang gagawin nilang adjustments tatlong buwan bago ang pagsisimula ng nasabing Tokyo Olympics. Walang mga inimbitahan manood na audience sa nasabing stadium kung saan doon gaganapin ang […]
-
Cash aid distribution para sa pagkumpuni ng Paeng-hit houses, nagsimula na
NAGSIMULA na noong Lunes, Oktubre 31 ang probisyon ng cash assistance para sa mga taong nawasak ang mga bahay dahil kay Severe Tropical Storm Paeng. Sinabi ni Social Welfare and Development Secretary Erwin Tulfo na ang pondo ay magmumula sa assistance to individuals in crisis situations (AICS) program ng departamento. “‘Yung […]