COVID-19 sa Metro Manila papalo sa 8.5 milyon sa Hunyo 30
- Published on March 22, 2021
- by @peoplesbalita
Nagbabala ang OCTA Research Group na posibleng umabot ng hanggang 8.5 milyon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila hanggang sa Hunyo 30 kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit sa mga darating na araw.
“If this trend continues, by June 30, we will achieve herd immunity. We will have infected 8.5 million people in National Capital Region (NCR),” ayon kay OCTA fellow at mathematics Prof. Guido David.
“These are actual projections. By June 30, we will reach 8.5 million total cases (in NCR) if this trend, reproduction number continue… That’s herd immunity territory. It will be here before vaccination,” aniya pa.
Nitong Sabado nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,999 bagong kaso ng COVID-19, na nahigitan pa ang 7,103 kaso noong Biyernes.
Ito na ang pinakamataas na COVID-19 cases sa bansa simula nang mag-umpisa ang pandemya.
Ayon kay Guido, dahil sa taas ng mga numero ay mahirap itong pababain kaagad.
Mayroon aniya itong momentum sa ngayon upang lalo pang tumaas, at posibleng umabot pa ng hanggang 10,000 kada araw sa katapusan ng buwan.
“If the projections are in line with what’s happening with the trends right now, then we just have two weeks before the hospitals reach critical care limit,” babala pa niya.
Una nang sinabi ni Guido na dapat na isentro muna ang pagbabakuna sa Metro Manila dahil ang rehiyon naman ang itinuturing na sentro ng pandemya.
-
Naghahanda na para sa ihu-host na variety/game show: RABIYA, inaming malaki ang paghanga sa kakayanan ni MICHELLE
KAHIT na sunud-sunod ang hiwalayan sa showbiz, nananatili pa ring matibay ang relasyon ni Kiray Celis sa kanyang non-showbiz boyfriend na si Stephan Estopia. Noong maging public na ang relasyon ng dalawa, nakatanggap ng bashing at hate comments si Kiray dahil hindi naman daw tatagal ang relasyon nila ni Stephan. Ginagamit lang daw siya […]
-
Baka ‘di pumayag sa pagpapa-convert ng girlfriend: RURU, natakot noong magpaalam sila sa Lola VICKY ni BIANCA
ALIW si Ruru Madrid, tila na miss nito ang girlfriend na si Bianca Umali na hindi na umabot sa presscon. Kaya kahit standee man lang ng Kapuso actress, binitbit niya at itinabi sa kanya habang kumakanta silang lahat na Sparkle artists ambassadors ng Beautéderm kasama ang C.E.O. na si Ms. Rhea Anicoche-Tan. […]
-
Pukpukan na sa UAAP 2nd round
PAPASOK na ang UAAP Season 84 men’s basketball tournament sa krusyal na second round. Kaya naman inaasahang mas magiging matinding bakbakan ang masisilayan dahil unahan na ang lahat ng teams para makapasok sa Final Four. Magsisimula ang second round bukas tampok ang salpukan ng reigning champion Ateneo at La Salle sa […]