• June 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Covid-19 vaccination sa mga atletang Pinoy na sasabak sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games, inaprubahan na

INAPRUBAHAN ng gobyerno ang panukalang iprayoridad ang COVID-19 vaccination sa mga atletang Filipino at opisyal bago pa magtungo ang mga ito sa Tokyo Olympics at Southeast Asian Games.

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na pinapayagan ng Inter-Agency Task Force ang maagang pagbabakuna sa mga magiging kinatawan ng Pilipinas sa dalawang nabanggit na sport major sporting events.

 

Sa ulat, umapela si Senate Committee on Sports chairman, Senator Christopher “Bong” Go sa pamahalaan na tiyaking mababakunahan ang mga kuwalipikadong miyembro ng Team Philippines na sasabak sa Summer Olympics sa Tokyo City, Japan at Southeast Asian Games sa Hanoi City, Vietnam sa July-August at November-December, ayon sa pagkakasunod.

 

“Ang tagumpay nila ay tagumpay din ng buong bansa. Hirap na hirap na ang ating mga kababayan pero subukan nating bigyan ang taumbayan ng rason na magkaroon ng pag-asa at magkaisa,” ayon kay Go.

 

“Marami rin po ang naghihirap sa ating mga atleta at tatandaan natin na bukod sa pagrepresenta sa ating bansa, lahat po sila ay may mga pamilya rin pong pinapakain at binubuhay. Ang pagbabakuna sa kanila ay hindi lang bilang suporta sa ating mga atleta, kundi suporta rin upang maiangat muli ang kanilang kabuhayan,” aniya pa.

 

Nauna rito, tinalakay ni Go ang kanyang apela kina vaccine czar Carlito Galvez, Jr. at Health Secretary Francisco Duque III at nangako ang dalawang opisyal na ilalagay sa priority list ang mga kuwalipikadong atleta.

 

“Bilang Chair ng Senate Committees on Sports at Health, umaapila ako na bakunahan na agad ang ating mga atleta na sasabak sa upcoming international competitions. Makiisa at magmalasakit tayo sa Team Pilipinas. Suportahan at proteksyunan natin sila dahil karangalan rin ng bansa ang nakataya rito,” ang apela ni Go.

 

Sinabi ng senador na bandila ng Pilipinas at dangal ng lahing Pilipino ang itatanghal ng ating mga atleta sa mga nasabng palarong kaya dapat lamang na bigyan din sila ng sapat na proteksyon.

 

Ginunita ni Gp na noong nakaraang 2019 SEA Games, naging kampeon ang Team Pilipinas dahil sa suporta ng buong sambayanang Pilipino. Nagkaisa ang gobyerno, pribadong sektor, at ordinaryong Pilipino para sa mga atleta.

 

“Ngayon na kailangan nila ang tulong at proteksyon mula sa sakit, ibigay muli natin ang suportang kailangan nila hindi lamang sa oras ng kanilang kompetisyon, kundi pati na rin sa kanilang preparasyon at panahon ng kanilang pangangailangan,” giit ng mambabatas.

 

Ayo sa PSC aat POC, inaasahan na bubuuin ng 100 miyembro ng delegasyon ng bansa para sa Olympics. May 1,500-strong delegation ng bansa ang kalahok sa SEA Games. Ang mga ito ay kinabibilangan ng atleta, coaches, team officials at iba pa.

 

“Bilisan na po natin para hindi tayo maipit sa oras dahil malapit na po ang mga kompetisyon. Tutal patuloy naman po ang pagdating ng mga bakuna at ginagawa rin ng gobyerno ang lahat para mapabilis ang ating vaccine rollout sa iba’t ibang parte ng bansa,” idiniin ni Go.

 

Samantala, ang Pilipinas ay mayroong 8 atleta na magtutungo sa Tokyo Games na nakatakda sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8 at ito ay sina : weightlifter Hidilyn Diaz, pole vaulter EJ Obiena, gymnast Carlos Yulo, boxers Eumir Marcial, Irish Magno, Carlo Paalam, and Nesthy Petecio, at rower Cris Nievarez.

 

Plano naman ng Philippine Olympic Committee na magpadala ng 626 atleta sa Hanoi SEA Games.

 

Ang organizers ng games sa Vietnam ay nagpatupad ng “no vaccination, no participation” policy sa biennial sports meet na nakatakda sa Nobyembre 21 hanggang Disyembre 2.

 

Samantala, sinabi ni POC President Bambol Tolentino na ang national sports associations ay pinayuhan na kilalanin ang mga atleta na ipa-prayoridad para sa vaccination program. (Daris Jose)

Other News
  • Teves, hindi pa rin itinuturing na pugante

    HINDI pa rin itinuturing ng Anti-Terrorism Council (ATC)  na isang pugante si Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves Jr. sa kabila ng tinawag na itong terorista.     Ang paliwanag ni Assistant Secretary at kasalukuyang Deputy Spokesperson Mico Clavano na wala pa naman kasing warrant of arrest  na ipinalalabas laban kay Teves para ikonsidera siya bilang […]

  • Renomination ni Nograles bilang chairperson, OK sa CSC

    WELCOME sa Civil Service Commission (CSC) ang ginawang ‘renomination”  ni  President-elect Ferdinand Marcos Jr. kay dating cabinet secretary Karlo Nograles bilang  Chairperson-designate ng nasabing ahensiya.     “We were already off to a good start with Chair Karlo’s earlier brief stint at the Commission. Now that he’s back, I, together with Commissioner Ryan Acosta, as […]

  • Ads October 15, 2021