• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 vaccine brands, puwede nang sabihin sa recipients sa inoculation centers

MAAARING isiwalat ng mga awtoridad ang COVID-19 vaccine brands sa kanilang recipients sa inoculation centers.

 

Ito’y matapos na ipagbawal ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang local government sa pag-anunsyo ng brand names para maiwasan ang mass gatherings.

 

“Malinaw ang paliwanag ng DILG na bagama’t hindi iaanunsyo ng LGU ang vaccine brand, sasabihin sa mababakunahan ang vaccine brand habang nasa vaccination center,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.

 

“Hindi ililihim sa mababakunahan ang bakunang ibibigay sa kaniya. Karapatan n’yo po itong malaman at tanggihan ito,” anito.

 

Kaya hinikayat ni Sec. Roque ang publiko na iwasan na ang maging “choosy” sa vaccine brands.

 

Ang lahat ng COVID-19 vaccine ani Se. Roque ay dumaan sa masusing pagsusuri ng local at international drug regulators.

 

“Ang pinakamabisang bakuna ay ang bakunang ituturok sa inyo pong mga braso,” anito.

 

“Totoo po, meron tayo lahat karapatan para sa mabuting kalusugan, pero hindi naman po pupuwede na pihikan. Napakadaming Pilipino na dapat turukan,” ayon pa kay Sec. Roque.

 

Sabi pa ng opisyal, wala namang pilitan sakaling ayaw ng isang indibidwal na magpaturok ng bakunang ibibigay sa kaniya.

 

“Wala pong pilian, wala po kasing pilitan… Tama lang naman po ‘yan, walang pilian kasi hindi naman natin mako-control talaga kung ano’ng darating at libre po ito,” aniya.

 

Sa ngayon, nakakuha na umano ang Pilipinas ng garantiyang suplay mula sa vaccine maker ng China na Sinovac. Meron na rin daw mula sa AstraZeneca at Serum Institute ng India.

Other News
  • Julie Anne San Jose and Rayver Cruz Team Up for GMA Public Affairs’ Film Debut, ‘The Cheating Game’

    THEY say when you get cheated once, ‘poor you.’ You get cheated on again, ‘shame on you.’ In a world where love is a gamble, how far are you willing to play the cheating game?     This July 26, brace yourselves as GMA Public Affairs proudly presents its first-ever film offering, “The Cheating Game,” featuring two […]

  • TESDA, hinikayat ng DSWD na iprayoridad ang 4Ps senior HS graduates

    HINIKAYAT ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) na iprayoridad ang 4Ps senior high graduates para sa skills training opportunities para makatulong na makapagtayo ng mas maliwanag na kinabukasan.     Sa katunayan, nagpulong ang mga opisyal ng DSWD sa pangunguna ni Gatchalian […]

  • Navotas Solon sa publiko; mag-ingat sa holidy text scams

    NAGBABALA si Navotas Representative Toby Tiangco sa publiko na manatiling mapagbantay sa gitna ng dumaraming sopistikadong text scam na nagta-target sa mga gumagamit ng e-wallet.   Binigyang-diin ni Tiangco, chair ng House Committee on Information and Communication Technology, ang pagtaas ng mga mensahe ng scam na itinago bilang mga lehitimong e-wallet advisories.     “Marami […]