Covid-19 vaccine ng Astrazeneca, hindi pa maaring tanggapin at ipamahagi ng covax facility
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
IPINALIWANAG Health Usec. Maria Rosario Vergeirre kung bakit kailangan pa ring hintayin ng Astrazeneca ang Emergency USe LIst O eul na mula sa world health organization (WHO) bago ito ng COVAX facility.
Sa Laging Handa Briefing, sinabi ni Vergeirre na isa sa mga ginagawang basehan o kondisyon ng covax facility para kanilang tanggapin ang AstraZeneca at gawin itong isa sa mga bakunang ipapamahagi nila sa iba’t ibang bansa ay dapat na may maipakita silang EUL mula sa WHO.
Ani Vergeirre, internationally accepted kasi aniya sa buong mundo ang emergency Use list na puwedeng gamitin kahit saan mang bansa.
Isa ani Vergeire ang eul sa mga niri-require o hinihingi ng WHO sa mga manufacturers bago sila pahintulutang maipamigay ang bakuna sa iba’t ibang bansa.
Nilinaw din ni Vergeirre na iba naman ang Emergency use authorization EUA sa EUL dahil ang EUA ani Vergeirre ay nirerequire ng bawat bansa bago tanggapin ang anumang bakuna.
Dagdag pa nito, gaya aniya sa Pilipinas, kapag ang isang Pharmaceutical company ay nakakuha na ng EUL mula sa WHO, nangangahulugan lamang ito na mas mapapadali na rin para sa Philippine government ang mag-isyu ng Eua sa mga vaccine maker. (Daris Jose)
-
Ka-level na ang mga naglalakihang stars ng ‘Beautederm’… Social media star na si ZEINAB, opisyal nang brand ambassador
WINNER ang newest brand ambassador ng Beautéderm Corporation ng kung saan nagsimula na ang kanilang month-long 13th anniversary celebration. Opisyal na ngang ni-launch noong Sabado, August 6, ang social media star na si Zeinab Harake bilang oral care brand ambassador ng Koreisu Family Toothpaste (na may whitening variant din) at Etré Clair (na may […]
-
Ilang mga government websites at bangko sa Ukraine nabiktima ng cyber-attacks mula sa Russia
NAKARANAS ngayon ng malawakang cyberattack ang Ukraine kung saan tinamaan ang mga government websites. Ayon kay Deputy Prime Minister Mykailo Fyodorov, na bukod sa mga government websites ay may ilang bangko rin ang nabikitma ng nasabing cyberattacks. Inakusahan din nila ang Russia na sila ang nasa likod ng cyber-attacks. […]
-
Malakanyang, walang nakikitang timeline sa pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa NCR
SINABI ng Malakanyang na hindi pa nito alam kung may timeline ang pagpapaluwag ng quarantine restrictions sa Kalakhang Maynila. “Hindi ko alam kung kailan makakamit ‘yan (Alert Level 1). Pero ang importante sa Metro Manila, ay mahigit 60% na ang ating pagbabakuna,”ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque. Ang Kalakhang Maynila kasi ang epicenter […]