• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Covid-19 vaccine ng Russia na inalok sa Pinas kailangan munang dumaan sa FDA

KAILANGAN pa rin na dumaan sa tamang proseso ang iniaalok ng bansang Russia sa Pilipinas na bakuna na na-developed nito laban sa COVID .

Ang katwiran ni Presidential spokesperson Harry Roque, may batas na ipinaiiral sa Pilipinas ukol sa paggamit ng isang gamot for public consumption na dapat sundin.

Kailangan aniyang dumaan ang Covid-19 vaccine sa Food and Drugs Administration at hindi maaaring ibigay sa publiko ang isang gamot ng hindi nasusuring mabuti ng FDA.

Dapat masunod ang batas ukol dito lalo’t for mass distribution ang kaukulan ng isang gamot at kabilang nga dito ang clinical trials na handang gastusan ng pamahalaan.

“Ang sabi po ni Presidente, nagpapasalamat siya. He is grateful doon sa offer ng Russia. Pero sinabi rin niya na kinakailangan din nating sundin ang batas na umiiral sa Pilipinas dahil nga po walang gamot na pupuwedeng ibigay sa publiko na hindi dumadaan sa FDA. Ang FDA naman po ay hindi mag-iisyu ng permit to utilize sa isang gamot kung wala po iyong clinical trial,” paliwanag ni Sec. Roque.

“So dadaan din po iyan sa proseso natin iyan. At naiintindihan naman po ng mga Russians iyan dahil may batas po kasi. Unless the FDA declares nga an emergency, compassionate use, iyon po pupuwede ‘no. Pero for mass distribution, tingin ko po, dapat sundin pa rin iyong batas and that calls for clinical trials po. Puwede naman po ang gobyerno gumastos diyan sa clinical trials na iyan,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.

Nauna rito, nagpasalamat si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa nasabing alok ni Russian President Vladimir Putin habang nagpahayag ito ng kahandaang makatulong sa clinical trial sa gitna ng mataas na kumpiyansa sa Russia para wakasan na ang COVID-19.

” it was a generous offer for which we have to be thankful for ‘no. Tayong mga Pilipino naman ay pulaan na tayo, pero ang utang na loob ay isa talagang binibigyan natin ng halaga. So tingin ko naman ay in-articulate ni Presidente iyong gratefulness at iyong utang na loob natin dahil isa sila … sila ang pinakaunang nag-offer ng vaccine sa atin ‘no, at hinding-hindi makakalimutan ng sambayanang Pilipino iyang kabutihang-loob na iyan,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Kakaiba talaga ang kasikatan nila: ‘Team FiLay’ nina DAVID at BARBIE, na-feature sa famous rice paddy art

    NAIIBA na popularity ng ‘Team FiLay’ nina David Licauco at Barbie Forteza kahit matagal-tagal na ring natapos ang “Maria Clara at Ibarra,” nang i-feature ang mga mukha nina Pambansang Ginoo at Kapuso Primetime Princess sa famous rice paddy art ng rice farm ng Philippine Rice Research Institute.     Kahit si Barbie ay nag-text dahil nag-trending ito […]

  • PCO Sec. Chavez, inatasan ni ES Bersamin na maghanap na ng iuupong bagong PTFOMS

    SINABI ni Presidential Communications Office Secretary Cesar Chavez na inatasan na siya ni Executive Secretary Lucas Bersamin na maghanap ng magiging kapalit ni dating presidential task force on media security o PTFOMS executive director Paul Gutierrez sa lalong madaling panahon.   Sa isang ambush interview sa Malakanyang, sinabi ni Chavez, kung siya ang tatanungin, gusto […]

  • Paglaban sa kahirapan, kawalan ng edukasyon, kontra gutom at iba pa, saklaw sa 2024 nat’l budget

    INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr na ang 2024 national budget ay isang battle plan kontra sa kahirapan, gutom at iba pa.           Sinabi ng Presidente higit sa numerong pinag – uusapan sa budget ay kumakatawan ito higit sa lahat sa isang simpleng listahan ng halaga o talaan ng mga proyekto.   […]