• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 VACCINE SA LRT STATION

MAKAKATANGGAP na ng COVID-19 vaccines ang publiko sa Antipolo station ng Light Rail Transit Line 2 simula  araw mula Lunes hanggang Sabado.

 

 

Inanunsyo ng LRTA nitong Linggo ang pinalawig na iskedyul habang pinapataas nito ang immunization drive nito sa pakikipag-ugnayan sa pamahalaang lungsod ng Antipolo.

 

 

Dati, ang vaccination site sa istasyon ay operational lamang mula 8;30 ng umaga  hanggang alas 4 ng hapon tuwing Miyerkules at Biyernes.

 

 

Idinagdag ng LRTA na maaari ring mabakunahan ang mga komyuters sa Cubao station nito mula alas 8 ng umaga hanggang alas 4 ng hapon tuwing Lunes simula Marso 7.

 

 

Samantala,ang Recto vaccination site nito ay nanatiling bukas tuwing Martes at Huwebes mula alas 8 ng umaga hanggang alas 5.

 

 

Para higit pang maisulong ang mas ligtas na Sistema ng pampublikong transportasyon, nagbibigay din ang LRTA ng libreng one-day unlimited pass sa mga makakakuha ng kanilang anti-COVID shot sa alinmang Line 2 vaccination site. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Presidential Medal of Merit, P3-M at house and lot ibinigay ni PDU30 kay Hidilyn Diaz

    Nasa P3 million at fully furnished na house and lot sa Zamboanga City ang ibinigay na pabuya ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Olympic gold medalist Hidilyn Diaz.     Sa courtesy call ni Diaz kay Pangulong Duterte sa pamamagitan ng video-conference, sinabi ng Punong Ehekutibo na maliban pa ito sa P10 milyong makukuha ng Pinay […]

  • ANDRES, kinatuwaan ng netizens dahil mas guwapo kay AGA

    IBINAHAGI ni Charlene Gonzalez – Muhlach ang latest update sa kanilang twins ni Aga Muhlach na sina Andres at Atasha.   Kasama ang mga stolen photos ni Andres na hinangaan ng netizens dahil totoo namang nakapaka-guwapo nito, na pwedeng maging next matinee idol kung papasukin niya ang showbiz industry.   Caption ni Charlene, “flooding my […]

  • P500 ayuda sa mahihirap ipapamahagi na

    IPAMAMAHAGI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P500 subsidy sa mga mahihirap na pamilya bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.     Ayon kay DSWD spokesperson Irene Dumlao, inaayos na lamang nila ngayon ang mga kaukulang dokumento para maipamahagi na ang ayuda.     Nasa 12.4 milyong […]