COVID-19 vaccines protektahan vs ‘brownouts’ sa Luzon
- Published on June 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nag-abiso na ang Department of Energy (DOE) sa ibang ahensya ng pamahalaan na gumawa ng kaukulang hakbang para maproteksyunan ang mga bakuna na nakaimbak sa mga ‘cold storage facilities’ dahil sa posibleng ‘rotational brownouts’ sa loob ng isang linggo o hanggang Hunyo 7.
“Dapat patuloy ‘yung coordination natin sa IATF sa ating mga opisyales — local and national officials — para masigurado na protektado ‘yung ating mga storage facilities for our vaccines,” ayon kay DOE Undersecretary William Fuentebella.
Iminungkahi nila na magkaroon ng ‘triple backup system’ para masolusyunan ang sitwasyon. Nakapaloob dito ang back-up na solusyon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), sa mga distribution utility at sa mismong lokasyon ng mga storage facilities.
Ito ay makaraang ilagay sa ‘yellow at red alert status’ ang Luzon grid. Ang ‘yellow status’ ay nangangahulugan na manipis ang suplay ng kuryente sa isang lugar habang ang ‘red alert’ ay maaaring magpatupad na ng ‘brownout’.
Ayon kay NGCP spokesperson Cynthia Alabanza, maaaring magtuluy-tuloy ito hanggang Hunyo 7 maliban tuwing Sabado at Linggo na mas mababa ang demand sa kuryente.
Kasalukuyang nasa 11,408 megawatts lamang umano ang nakahandang kapasidad na mas mababa sa 11,593 megawatts na kailangan sa ‘peak demand’.
Upang masolusyunan ito, maaaring magpatupad ang NGCP ng ‘manual load dropping (MLD)’ o ‘rotational brownout’ sa ilang bahagi ng Luzon.
Sinabi ni NGCP Luzon System head Beng Abadilla na inaasahan na babalik sa normal ang sitwasyon sa enerhiya sa Hunyo 8 dahil babalik na sa ‘online operation’ ang mga pangunahing planta na nag-emergency outage.
Umaasa ang DOE na tataas ang reserbang enerhiya ng bansa sa pagdating ng mga ulan at bagyo na magiging dahilan sa pagbaba sa demand sa kuryente ng publiko dulot ng paggamit ng mga air-conditioning units at electric fans. (Daris Jose)
-
First solo concert niya after six years: ‘Renaissance Tour’ ni BEYONCE, tuloy na na magsisimula ngayong Mayo
NAGING simple at tahimik ang pag-celebrate ni Kristoffer Martin ng first wedding anniversary nila ng kanyang misis na si AC Banzon. Kasama nila sa pag-celebrate ay ang anak nilang si Precious Christine. Advances nga raw ang pag-celebrate nila ng anniversary dahil sa mismong araw ng kanilang wedding annivesary ay manonood ang misis ni Kristoffer ng […]
-
Busy rin sa movie nila ni Yassi: RURU, excited nang makatrabaho si MATTEO sa aksyon-serye
INAMIN ni Kapuso actress Gabbi Garcia na ang boyfriend na si Khalil Ramos na ang kanyang ’the one’ sa interview ni Boy Abunda sa programa nitong “Fast Talk with Boy Abunda.” Sa ngayon ay six years na silang magkarelasyon at napag-usapan na nilang dalawa kung paano mapapanatili ang kanilang relasyon at naniniwala sila […]
-
Marcos, ipagpapatuloy ang giyera laban sa illegal na droga ‘with respect for rights, focus on rehabilitation’- diplomat
NANGAKO si President-elect Ferdinand Marcos Jr. na ipagpapatuloy niya ang sinimulang giyera ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte laban sa illegal na droga na may paggalang sa karapatang-pantao at nakatuon ang pansin sa rehabilitasyon. Sinabi ni Ambassador Annika Thunborg of Sweden, ipinahayag ni Marcos ang usaping ito sa kanilang meeting kung saan tinalakay […]