Crackdown sa ‘anti-colorum campaign’, tagumpay – DOTr
- Published on December 13, 2023
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation (DOTr) na matagumpay ang isinagawa nilang crackdown laban sa mga illegal na sasakyan alinsunod sa kanilang anti-colorum campaign.
Ayon sa DOTr, sa loob lamang ng isang linggo, o mula sa Disyembre 1 hanggang Disyembre 9, 2023, nakaaresto ang SAICT ng tatlong kolorum na bus at 11 vans, na nagresulta sa total haul na P5.2 milyon.
Ang SAICT, katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG) at pinagsanib na operatiba, ay walang pagod na labanan ang paglipana ng mga colorum vehicles sa Metro Manila.
Anang DOTr, ang mga colorum vehicles o public utility vehicles (PUVs), na ilegal na nag-o-operate, ay may hatid na banta sa public safety at sa overall efficiency ng transportation system.
“The SAICT’s efforts are in line with the Department of Transportation’s commitment to ensuring comfortable, safe, sustainable, and affordable transport network for all Filipinos,” anang DOTr.
Sa ilalim ng pamumuno ni DOTr Secretary Jaime Bautista, nagpapatupad ang SAICT ng isang kumprehensibong anti-colorum strategy na kinabibilangan ng pinaigting na operasyon, intelligence gathering, at sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang law enforcement agencies.
-
Ads September 10, 2024
-
‘Di mo DeCerv’: Empowering Communities in the Fight Against Cervical Cancer
No one deserves to experience cervical cancer. This is why HPV and cervical cancer awareness event “Cervical Cancer: Di mo DeCerv” brought together medical organizations, patient communities, and the public in a shared mission to combat cervical cancer in the Philippines. The event, by MSD in the Philippines, was supported by […]
-
Presyo ng itlog, inaasahang tataas dahil sa banta ng bird flu at mamahaling feeds
PINAYUHAN ng mga supplier ang mga vendor na tataas ang presyo ng mga itlog dahil sa banta ng bird flu at mamahaling feeds. Sa kasalukuyan, nasa P7.00 hanggang P8.00 ang presyo ng mga itlog sa Balintawak Market sa Quezon City. Kada nasa tatlo hanggang apat na araw umano nagtataas ng presyo […]