Crawford hinamon si Pacquiao matapos ang panalo kay Brook
- Published on November 14, 2020
- by @peoplesbalita
Umaasa si WBO welterweight champion Terence Crawford na matutuloy na ang laban ni Manny Pacquiao.
Ito ay matapos na magwagi si Crawford sa pamamagitan ng knockout laban kay Kell Brook.
Dahil sa panalo ay mayroon na itong 37 panalo na walang talo na mayroong 28 knockouts.
Sinabi ni Crawford na matagal na niyang hinihintay ang panahon na makaharap ang Filipino boxing champion.
Dagdag pa nito na kung hindi lamang sa coronavirus pandemic ay natuloy na ang laban. Mayroon ng 95 percent na natapos ang usapan na gagawin ito sa Middle East.
Tiniyak naman ni Top Rank bigboss Bob Arum na itutuloy ang laban ng dalawa sa 2021.
-
Internet service sa bansa, malayo pa sa pagiging world class
MALAYO pa sa pagiging world class ang internet service sa bansa Ito’y dahil hindi sapat ang sinasabing improvement ng mga telcos para makuntento na ang taumbayan sa serbisyong ibinibigay ng mga ito sa kanilang mga kliyente. Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi naman nila isinasantabi ang naging improvement ng mga higanteng kumpanya […]
-
PAGTAAS NG ALERT LEVEL, IDEDEPENDE SA METRICS
NILINAW ng Department of Health (DOH) na ang posibilidad ng pagtaas ng Alert Level ay depende sa metrics ng Alert Level System alinsunod sa IATF Guidelines. Ang pahayag ng DOH ay matapos na magkaroon ng negatibong reaksyon sa social media kaugnay sa pahayag ni Health Usec Maria Rosario Vergeire sa isang panayam na […]
-
LOCAL CASE NG MONKEYPOX, DI PA MAKUMPIRMA
HINDI pa makumpirma ng Department of Health (DOH) kung may local case na ng monkeypox sa bansa o wala pa. Ito ayon sa DOH ay dahil hindi pa makumpleto ang history ng ikaapat na kaso ng naturang sakit na mula sa Iloilo. Ani Vergeire sa press briefing, hanggang ngayon ay hindi […]