Creamline diretso sa Finals
- Published on April 5, 2022
- by @peoplesbalita
MULING humataw si opposite spiker Tots Carlos para buhatin ang Creamline sa 23-25, 25-19, 25-18, 25-15 pananaig sa Choco Mucho at angkinin ang finals berth ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa Mall of Asia Arena.
Nakalikom ang dating University of the Philippines standout ng 23 points kabilang ang 19 attacks para dalhin ang Cool Smashers sa ikaanim na sunod na finals appearance.
“Thankful kami kasi naka-recover kami sa first set. Medyo kinapos iyong habol namin sa first set, pero iyong maturity ng Creamline nandiyan na palagi,” sabi ni Cool Smashers’ coach Sherwin Meneses.
“In terms sa disiplina, naglalaro na lang kami nang maayos para makuha iyong panalo,” dagdag nito.
Ramdam na ramdam din ang puwersa ni Jema Galanza na humataw ng 18 points at 15 digs gayundin si skipper Alyssa Valdez na may 17 points para sa 2-0 sweep ng Creamline sa Choco Mucho sa semis.
May pinagsamang 19 markers sina middle blockers Jeanette Panaga at Celine Domingo sa net defense ng Cool Smashers.
Nagpako ang Creamline ng kabuuang 67 attacks na nagawa nito dahil sa matikas na setting skills ni Jia Morado na nagtala ng 27 excellent sets.
Bantay ni libero Kyla Atienza ang floor defense nang magrehistro ito ng 17 digs at 17 receptions.
Nakakuha naman ang Flying Titans ng 14 hits mula kay Kat Tolentino galing sa 11 attacks at tatlong blocks, habang naglista si Des Cheng ng 13 points at nagdagdag si team captain Bea De Leon ng siyam na puntos.
Nauna nang naitarak ng Creamline ang 25-18, 17-25, 25-19, 25-11 panalo sa Flying Titans sa Game 1.
Samantala, tinalo ng Chery Tiggo ang Philippine Army, 25-15, 25-20, 20-25, 23-25, 15-12, tampok ang 32 points ni Dindin Santiago-Manabat sa classification phase.
-
GCQ SA NCR,BULACAN, CAVITE, LAGUNA AT RIZAL
BUNSOD ng patuloy na pagtaas ng kaso ng Covid-19 ay napagkasunduan ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ipatupad ang mga bagong hakbang sa mga lugar nasa ilalim sa General Community Quarantine (GCQ) mula ngayong araw, Marso 22 hanggang Abril 4. Una na rito ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay ang pansamantalang sinususpinde ang […]
-
Pasig City ‘di makapagbukas ng dagdag na vaccination sites
DAHIL sa kakulangan sa health workers na karamihan ay naka-quarantine kung kaya hindi makapagbukas ng dagdag na vaccination sites ang lokal na pamahalaan ng Pasig City upang sana’y mabakunahan ang mas marami nitong mamamayan. Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, kulang sila sa mga tauhan na mangangasiwa sa vaccination sites dahil karaminan […]
-
Harden, tumanggi sa multi-million dollar extension deal ng Rockets; nais nang lumipat sa Nets?
Usap-usapan ngayon sa mundo ng basketball ang mistulang pahiwatig ni NBA superstar James Harden na ayaw na nitong maglaro sa Houston Rockets sa susunod na season. Ayon sa mga impormante, tinanggihan kasi ni Harden ang dalawang taong contract extension na alok ng Rockets, na umano’y nagkakahalaga ng $103 million o katumbas ng halos P5-bilyon. […]