Creativity ng mga Pilipino, pinuri ng opisyal ng CBCP
- Published on December 14, 2021
- by @peoplesbalita
Kinilala ng opisyal ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang mga bagong pamamaraan ng mamamayang Filipino para maging produktibo katulad ng online selling sa kabila ng covid 19 pandemic.
Lumabas sa pag-aaral ng Philippine Institute for Development Studies (PIDS) na bahagyang dumami ang kasalukuyang bilang ng mga kababaihang online seller kumpara sa mga kalalakihan.
Ayon kay CBCP Episcopal Commission on Women chairman Borongan Bishop Crispin Varquez, kinikilala ng simbahan ang mga inisyatibo ng mga kababaihang gumagawa ng pamamaraan upang kumita sa kabila ng pandemya para makatulong sa kanilang pamilya at sarili.
“I congratulate women who are creative enough to do online selling during this pandemic to earn more to help their families. We welcome this development. And we congratulate them,” ayon sa mensahe ng Obispo sa Radio Veritas.
Umaapela naman si Bishop Varquez ng patuloy na pagkakaisa at pagtutulungan kasunod ng pag-aaral ng PIDS na kumikita ng higit na 10-libong piso ang mga kalalakihan kumpara sa mahigit 6-libo pisong kita ng kababaihang online sellers.
“Man and woman should compliment each other not compete each other, we should not create an issue that will reinforce the competition between man and woman,” ayon pa sa Obispo.
Binigyang diin ni Bishop Varquez na isang mahalagang gawain ng Simbahan at maging ng Pamahalaan, Local Government Units (LGU) at bawat isa ang pagpapahalaga at pagbibigay ng pantay na karapatan, oportunidad sa mga babae.
“It is the task of the LGU, national government and the church and all of us to empower women” ani Bishop Varuez.
-
Very happy sa nalalapit na kasal nila ni Arjo: ALDEN, malaki ang pasasalamat sa pagtitiwala ni MAINE
NGAYONG July 28 na ang naglalabasang balita ng kasalang Maine Mendoza at Arjo Atayde. At hindi naman maikakaila at maitatanggi na si Maine at Alden Richards ay naging malaking bahagi ng buhay ng bawat isa. Nang makausap nga namin si Alden sa naging mediacon ng “Battle of the Judges,” ang bagong […]
-
Speaker Romualdez suportado pagdalo ni PBBM sa ASEAN summit sa Laos
BUO ang suporta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ika-44 at ika-45 na ASEAN Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic (LPDR). Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagtitipon upang matugunan ang mga isyu na nakakaapekto sa rehiyon gayundin sa interes ng Pilipinas […]
-
Nagbabalik kaya certified Kapamilya pa rin: SHARON, nagluluksa na naman sa pagpanaw ng kanyang ‘Inay Manny’
NAGLULUKSA na naman si Megastar Sharon Cuneta dahil sa pagpanaw ng kanyang kaibigan at nanay-nanayan sa showbiz, ang actor-director na si Manny Castañeda. Sa kanyang social media post, mababasa ang labis niyang kalungkutan, “On one of the saddest days I have had to live through, I said “Goodbye…” to another dear friend. […]