Critically-acclaimed Pinoy action film, mapapanood na sa Pasko: ARJO at JULIA, walang itulak-kabigin sa husay nila sa ’Topakk’
- Published on December 7, 2024
- by @peoplesbalita
PASABOG ang media con ng action-packed thriller na ‘Topakk’ last Wednesday, December 4, na kung saan ginanap ito sa isang warehouse na M.H. del Pilar St. sa District 1 ng Quezon City.
Naramdaman talaga ng nagsipagdalo sa event, ang replica ng warehouse na malaking bahagi ng pelikula, na kung saan maraming matitinding eksena ang naganap na tiyak kaming papalakapan ng mga manonoood.
Ang naturang pelikula na may international title na ’Triggered’ na prinodyus ng Nathan Studios, Fusee, at Strawdogs, ay patuloy na gumagawa ng mga eksena sa internasyonal at lokal. Mula sa Cannes hanggang sa world premiere nito sa Locarno Film Festival, opisyal na nga itong entry 50th MMFF (Metro Manila Film Festival). Pinagbibidahan ito nina Arjo Atayde at Julia Montes, na walang itulak-kabigin sa husay nila pagganap, lalo na sa action scenes, na sila mismo ang gumawa. Nagkasugat-sugat at pasa nga sila, sa tindi ng mga eksena.
Sa direksyon ni Richard V. Somes, ang ‘Topakk’ ay nakasentro sa isang dating special forces operative na nakikipaglaban sa PTSD, na ang landas nagsalubong sa magkapatid na parehong tumatakas mula sa mga puwersang kriminal.
Ang pagganap ni Cong. Atayde ay nakabihag ng mga mahilig sa pelikula sa Cannes; Locarno at Austin, Texas. Na kung saan personal siyang dumalo sa mga screening para kumatawan sa pelikula.
Matindi nga ang naging reaksyon ng mga manonood sa mga international screenings, na marami ang pumupuri sa raw intensity at powerful performance ng pelikula.
Kakaibang Julia ang mapapanood, punong-puno ng aksyon ang pinamalas niya, na hindi katulad ng anumang nagawa niya noon. Dahil sa mahusay niyang pagganap sa ‘Topakk’ ay nakakuha siya ng pagkilala sa kanyang versatility at emotional depth. Puwedeng-puwede nga siyang maging action star, kaya balak na bigyan siya ng Nathan Studios ng follow-up movie next year.
Kahanga-hanga rin ang cinematographer na si Louie Quirino na maghahatid ng mga kapansin-pansing visual na nagpapataas sa tensyon at drama ng pelikula, na kinumpleto ng evocative score ni Jose Antonio Buencamino.
Ang ensemble cast na nagbigay ng standout performances mula Arjo, Julia Montes, Sid Lucero, Enchogn Dee, Kokoy de Santos, Levy Ignacio, Bernard Palanca, Paolo Paraiso, Vin Abrenica, Cholo Barretto, Julio De Leon, Ivan Carapiet, Jeffrey Tam, Gerhard Acao, Michael Roy, Maureen Mauricio, Elora Espano, Claire Ruiz, Anne Feo, Bong Cabrera, Manu Respall, Rosh Barman, Victor Medina, Ivan Rivera, Ian Lee, Nico Dans, Yian Gabriel, Raquel Pareno, Precious Laingo, Kayley Carrigan, at Geli Bulaong – nagbibigay-buhay sa mga kumplikadong karakter ng pelikula.
Kaya sa Araw ng Pasko, unahin at maki-topakk sa hard-action movie, na pang-international ang pagkakagawa.
Samantala, ngayong Linggo, December 8, abangan ang cast ng movie sa pangungunan nina Arjo, Julia at Enchong sa ’Topakk Damay-damay Tayo sa Davao’, 3 p.m. sa G Mall Davao. Tiyak na masaya ito at punum-puno ng sorpresa at pakulo, kaya sugod na.
Para sa mga update sa Topakk, sundan ang Nathan Studios sa Facebook, YouTube, Instagram, at TikTok o bisitahin ang kanilang opisyal na Linktree atlinktr.ee/nathanstudios.
(ROHN ROMULO)
-
10 timbog sa drug operation sa Valenzuela
SAMPUNG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na drug operation ng pulisya sa Valenzuela city. Sa report ni PCpl Pamela Joy Catalla kay Valenzuela police chief Col. Ramchrisen Haveria Jr, dakong alas-10 ng Huwebes ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDE) sa pangunguna ni PLT […]
-
4 na lalaking lumabag sa ordinansa, kulong sa droga
HIMAS-REHAS ang apat na kalalakihan nang makuhanan ng illegal na droga makaraang masita ng mga pulis dahil sa paglabag sa city ordinance sa magkahiwalay na lugar sa Lungsod ng Caloocan. Ayon kay Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta, dakong alas-12:40 ng madaling araw, nagsasagawa ng anti-crimility patrol ang mga tauhan ng Police Sub-Station […]
-
Samples ng 8 pasaherong kasama ng lalaking positibo sa UK COVID-19 variant, ipinadala sa genome center
Ipinadala na ng Philippine Red Cross (PRC) sa Phippine Genome Center ang mga samples mula sa walong pasaherong nakasama ng nagpositibo sa UK variant ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19). Una rito kinumpirma ng PRC na positibo sa Coronavirus ang walong pasaherong kasabay ng Pinoy na dumating a bansa. Ayon sa Red Cross, ipapadala sa Philippine […]