• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Crossovers swak sa finals

Walang preno ang Chery Tiggo nang saga­saan nito ang Choco Mucho sa pamamagitan ng 25-16, 26-24, 25-23 demolisyon para umabante sa finals ng Premier Volleyball League (PVL) Open Conference kahapon sa PCV Socio-Civic Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte.

 

 

Nagsilbing driver si outside hitter Dindin Santiago-Manabat na siyang nasandalan ng Crossovers sa mga krusyal na sandali ng laro para buhatin ang kanilang tropa sa 2-1 panalo sa best-of-three semifinals.

 

 

Nakakuha ng suporta si Santiago-Manabat kina 6-foot-5 Jaja Santiago at national team member Mylene Paat na naasahan din sa opensa.

 

 

Minanduhan naman ni Buding Duremdes ang floor defense samantalang ma­ningning ang laro ni playma­ker Jasmine Nabor na siyang naglatag ng balanseng atake ng Chery Tiggo.

 

 

Nagtala si Nabor ng 28 excellent sets at tatlong aces.

 

 

Makakasagupa ng Chery Tiggo ang nagdedepensang Creamline sa best-of-three championship series na magsisimula ngayong araw sa alas-6 ng gabi.

Other News
  • Take-over diumano ng Grab sa Move It bilang accredited motorcycle-taxi service provider dapat imbestigahan ng TWG

    APAT na Transport-Commuters Advocates, kabilang na ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ang nanawagan sa Technical Working Group (TWG) ng pilot test ng motorcycle taxi operation na imbestigahan ang diumano ay pagbenta ng MOVE IT sa Grab upang ang huli ay makapasok sa PILOT TEST ng motorcycle taxis.  Matatandaan na tatlo ang binigyan […]

  • Nagko-consult na sa lawyer sa kanilang gagawin: DINGDONG at JESSA, nilinaw na walang tinatakbuhang utang

    NAGLABAS na ng official statement sa kanilang Facebook at Instagram ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado bilang sagot sa kontrobersya na kanilang kinasangkutan.     pinagpiyestahan ng netizens.     Isang shoutout ang lumabas sa FB noong January 9, mula sa isang Fujiwara Masashi, na nag-viral dahil pinagpiyestahan ng netizens.     Ayon sa […]

  • US inaprubahan na ang $100-M missile upgrades ng Taiwan

    INAPRUBAHAN ng US ang $100-milyon na missile upgrades sa Taiwan.     Ayon sa Pentagon na ang nasabing pag-upgrade ng Patriot missile defense system ng Taiwan ay malaking tulong lalo na ang pagtanggol nila kanilang teritoryo na balak na lusubin ng China.     Ikinagalit naman ng China ang nasabing pagtulong ng US sa Taiwan. […]