• November 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Crowd estimates sa mga campaign rallies, “masamang” at “maling” basehan para sa resulta ng halalan

MASAMA at mali na “panghawakan” o pagbasehan ng mga kandidato ang pagkapanalo dahil lamang sa dami ng tao na sumama sa kanilang campaign rallies.

 

 

Ito’y matapos na kitang-kita ang pagdagsa ng mga tao sa campaign sorties ng mga kandidato para sa May 9 national at local elections sa gitna ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) pandemic.

 

 

Sinabi ni OCTA Research fellow Ranjit Rye, political science professor sa University of the Philippines, na ang pre-election surveys ay mas “reliable” at “accurate,” pagdating sa pagtataya ng resulta ng kasalukuyang halalan.

 

 

“Ang klaro dito sa ating mga resulta, hindi ho magandang basehan ho ‘yung rally for electoral outcomes po. Hindi rin magandang basehan ‘yung Google trends kasi hindi naman siya dinisenyo para palitan ho ‘yung you know, public opinion sa surveys po,” ayon kay Rye sa “Hatol ng Bayan 2022” program na inere ng state-run PTV-4.

 

 

Ani Rye, ang resulta ng partial at unofficial count ng mga boto para sa halalan ngayong taon ay sumasalamin sa “scientifically-conducted” surveys ukol sa public opinion ng eleksyon sa bansa.

 

 

Gayunman, mayroon talaga aniyang magpapahayag ng kanilang pagdududa sa “accuracy” ng pre-election surveys.

 

 

“Iyan ang naging experience namin. Talagang grabe ang batikos sa social media. Masaya kami, at least na-validate ‘yung science ho ng surveys. We’re hoping talaga  that people will begin to realize the importance and the reliability, ‘yung  precision of scientifically-conducted surveys,” ayon kay Rye.

 

 

Tinukoy ni Rye ang kaso ng UniTeam presidential-vice presidential tandem nina dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara “Inday” Duterte na kapuwa nangibabaw sa pre-election surveys at partial at unofficial tally ng mga boto.

 

 

Aniya, ang pre-election surveys ng OCTA Research, at maging ng private polling firms Pulse Asia at Social Weather Stations, ay “salamin” ng resulta ng initial tally.

 

 

“When you look at the OCTA Research’s estimates of survey results two weeks ago, it actually mirrors what actually happened last May 9, not perfectly but essentially,” ayon kay Rye sabay sabing “Our surveys are not only accurate but also very reliable po. So in a sense, na-validate ‘yung science of surveys.”

 

 

Habang ang resulta para sa eleksyon ngayong taon ay nananatiling unofficial, sinabi ni Rye na sina Marcos at Duterte ay maituturing ng “projected winners” sa presidential at vice presidential race.

 

 

“You know, we are still in the process of canvassing our votes at the national level, specifically for president and vice president. While hindi pa concluded itong process na ito, it’s likely na  we already know the projected winners, given that more than 95 percent of the votes have been processed. And it’s likely to be former senator Bongbong Marcos for president and for vice president, si Mayor Sara Duterte,” aniya pa rin.

 

 

Samantala, sa kabila ng political differences, nagpahayag naman ng kumpiyansa si Rye na matatanggap ng publiko kung anuman ang magiging resulta ng halalan.

 

 

Ang eleksyon aniya ay dapat na magbigkis at hindi maging dahilan ng pagkawatak-watak ng mga mamamayang Filipino.

 

 

“People have to reflect on the importance of democracy and of accepting the outcomes of this particular election cycle, not just for the president and the vice president but for all the other positions,” ayon kay Rye.

 

 

Umaasa aniya siya na ang mga Filipino ay maninindigan sa kanilang layunin na paunlarin ang bansa.

 

 

“We have to continue to work together in communities and in cooperation with the private sector and government, if we want to push the agenda of change and development for our country. So, ‘yun ho ang call natin. Importante ho na magkaisa tayo, importante po na  we begin to think beyond our parties and candidates and think of what’s good for the community and for the nation,” ayon kay Rye. (Daris Jose)

Other News
  • Five Nights At Freddy’s PG-13 Rating Explained: Violence, Blood, & Language

    CO-WRITER/DIRECTOR Emma Tammi explains why the Five Nights at Freddy’s movie didn’t aim for an R-rating, Despite being comprised of a host of murderous animatronics.     Anticipation is high for the adaptation of the hit horror video game franchise, which put players in the shoes of a night security guard at the eponymous family […]

  • ASEAN, dapat na magpakita ng “commitment” sa free trade-PBBM

    DAPAT nang magpakita ng kanilang commitment ang  ASEAN member states para sa prinsipyo ng free trade o malayang kalakalan.     Ang malayang kalakalan  ay isang patakaran kung saan ang isang pamahalaan ay hindi nangingilala o walang kinikilingan o walang diskriminasyon laban sa mga pag-aangkat ng mga kalakal, o kaya ay hindi nanghihimasok sa mga […]

  • Kung si JOHN LLOYD ay may sitcom: BEA, inaabangan ng netizens kung lilipat na ba sa Kapuso Network

    SURE na kaya ang pagiging Kapuso talent ni John Lloyd Cruz?     Special guest si JLC ni Willie Revillame para sa 6.6 Mid-Year Sale TV Special! ng Shopee at may tsismis na may gagawin din itong TV sitcom kung saan makakatambal nito si Andrea Torres, ang ex-GF ni Derek Ramsay (na bf naman ngayon […]