• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CSB, JRU riot sa NCAA

NAUWI sa rambulan ang laban ng College of Saint Benilde at Jose Rizal University dahilan upang ipatigil ito ng pamunuan ng liga kahapon sa NCAA Season 98 men’s basketball tournament sa The Arena sa San Juan City.

 

 

Lamang ang Blazers sa iskor na 71-51.

 

 

Kaya naman idineklarang panalo ang Benilde para makuha nito ang ika-10 panalo sa 13 pagsalang.

 

 

Nag-ugat ang lahat nang suntukin ni Heavy Bombers cager John Amo­res ang tatlong players ng Blazers na sina Jimboy Pasturan, Taine Davis at Mark Sangco, may 3:22 pang nalalabi sa ikaapat na kanto.

 

 

Kaya naman nagdesis­yon na ang NCAA Mana­gement Committee na itigil na lamang ang laro para hindi na lumala pa ang kaguluhan at para na rin sa kaligtasan ng mga players, coaches at audience.

 

 

Sinang-ayunan ang desisyon nina JRU athletic director Paul Supan at CSB athletic director Dax Castellano.

 

 

Nakatakdang magsagawa ang NCAA ManCom ng imbestigasyon upang malaman ang tunay na dahilan ng kaguluhan.

 

 

Inaasahang may mapapatawan ng parusa sa oras na matapos ang im­bestigasyon.

 

 

Dahil dito, bumagsak sa 6-7 ang rekord ang Heavy Bombers.

 

 

Nanguna para sa Benilde si Pasturan na kumana ng 18 puntos habang nakalikom naman si Will Gozum ng double double na 15 points at 10 rebounds.

 

 

Sa unang laro, ginulantang ng Emilio Aguinaldo College ang University of Perpetual Help System Dalta, 59-53 panalo para masikwat ang kanilang ikalawang panalo.

Other News
  • Chris Hemsworth is twisted as Dementus in “Furiosa: A Mad Max Saga”

    “He understood the character straight away,” was what director George Miller said as he watched Chris Hemsworth read the screenplay for Furiosa: A Mad Max Saga. In the highly anticipated expansion to the Mad Max universe, Chris Hemsworth plays Dementus, the tyrannical warlord that kidnaps a child that would later become the legendary Furiosa.   […]

  • 2 Comelec commissioners, pinangalanan na ni PBBM

    PINANGALANAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang dalawang komisyonado ng  Commission on Elections (Comelec)  sa katauhan nina Atty. Ernesto Maceda Jr. at reappointed engineer Nelson Celis.     Tinintahan ni Pangulong Marcos ang apppointment papers nina Maceda at Celis noong Oktubre  3.     Si Celis  ay reappointed matapos na ma-bypassed ng   Commission on […]

  • CATRIONA, sagana sa alaga ni SAM at ini-spoil din sa mga gifts; naniniwalang ‘she’s the one’

    PARA raw kay Sam Milby, ang girlfriend na si Catriona Gray na ang “the one” niya.     Sinabi ito ni Sam sa naging interview niya sa Mega Entertainment.     Sabi ni Sam, “I wouldn’t be with Cat if I don’t think she’s the one.  At my age also, why would I be wanting to […]