• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

CSC sa Christmas party sa gobyerno: No public funds, sundin ang ethical standards

PINAALALAHANAN ng Civil Service Commission (CSC) ang mga ahensiya ng gobyerno na magdaraos ng Christmas o year-end party, binigyang diin na dapat ay ‘no public funds’ na gagamitin at kailangan na sundin ang ethical standards.

 

 

 

Sinabi ni CSC Commissioner Aileen Lourdes Lizada na hindi maaaring gamitin ang pondo ng gobyerno para sa Christmas party pero maaari silang gumamit ng ‘pooled money’ o perang pinagsama-sama bilang ambag o kontribusyon mula sa mga kasama sa party.

 

 

“If you conduct Christmas parties, do not hold them in a manner that turns your office into a private venue… Offices are not like bars where, after 5 o’clock, you can drink and smoke inside,” ang sinabi ni Lizada.

 

 

Ang paalala na ito ni Lizada ay matapos hikayatin ng Malakanyang ang mga ahensiya ng gobyerno na mag-donate ng kanilang savings mula sa scaled-down holiday celebrations hanggang sa komunidad na apektado ng mga nakalipas na bagyo.

 

 

Pinayuhan din ni Lizada ang mga ahensya ng gobyerno na sumangguni sa Commission on Audit at Department of Social Welfare and Development bago pa magbigay ng donasyon.

 

 

Gayunman, sinabi ni Lizada na ang events gaya ng year-end assessments, kung saan sinusuri ng mga ahensya ang nakalipas na taon, ay pinapayagan na gumastos.

 

 

Iyon nga lamang, kailangan na maghanda ang mga empleyado ng gobyerno ng project design at proposal, na dapat ay aprubado ng pinuno ng kanilang ahensiya.

 

 

“The activity qualifies as a year-end assessment, as it is categorized under that expense,” ayon kay Lizada.

 

 

Binigyang diin din ni Lizada na kahit pa ang empleyado ng gobyerno ay nasa public o private setting, nananatili pa rin na sila ay mga public officials o empleyado.

 

 

“They are still bound by RA 3019, the Anti-Graft and Corrupt Practices Act, and RA 6713, the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees,” ang sinabi ni Lizada.
(Daris Jose)

Other News
  • Traffic management plan sa SONA, plantsado na

    TINIYAK ng ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na handa na ang traffic management plan para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nakatakda sa Lunes, Hulyo 22, sa Batasang Pambansa sa Quezon City. Sinabi ni MMDA Ac­ting Chairman Don Artes na nasa 1,329 nilang tauhan ang naatasang […]

  • ‘Maternity leave’ scam, iniimbestigahan ng DepEd

    BUMUO  na ang Department of Education ng isang fact-finding committee para busisiin ang umano’y ano­malya sa maternity leave na nai-file ng mga guro ng may 11 beses sa loob ng tatlong taon.     Sinabi ni Atty. Michael Poa, spokesman ng DepEd, ang fact-finding committee ay kabibilangan ng mga DepEd officials sa regional offices at […]

  • Ads November 15, 2021