‘Customers na mababa ang konsumo hanggang Dec. 31, ‘di pwedeng putulan ng kuryente’ – ERC
- Published on October 31, 2020
- by @peoplesbalita
INATASAN ng Energy Regulatory Commission ang mga distribution utilities tulad ng Meralco na huwag munang putulan ng kuryente ang mga customer na mababa ang naging konsumo hanggang December 31, 2020.
“Distribution Utilities (DUs) are directed NOT to implement any disconnection on account of non-payment of bills until December 31, 2020 for consumers with monthly consumption not higher than twice the ERC approved maximum lifeline con- sumption level.”
Batay sa inilabas na advisory ng ERC, sinabi ng tanggapan na alinsunod sa Bayanihan to Recover as One Act (Bayanihan 2) ang kanilang direktiba.
Sa ilalim nito, lahat ng distributon utilities at retail electricity suppliers ay inaatasan din na magpatupad ng 30-day grace period sa mga customer na hindi pa rin nakakabayad ng kanilang electricity bill noong panahon ng enhanced community quarantine (ECQ) at modified enhanced community quarantine (MECQ).
Hindi raw pwedeng magpataw ng interes, penalty o kahit anong uri ng charges ang mga kompanya.
Kung lumampas man sa itinakdang 30-day grace period, dapat umanong payagan ng distributors at suppliers na makapagbayad ang customer sa loob ng tatlong buwang installment.
“Any unpaid balance after the lapse of the 30-day grace period shall be payable in three equal monthly installments without incurring interests, penalties and other charges.”
Hindi sakop ng palugit na mga araw ang government offices, agencies at mga pag-aaring kompanya ng pamahalaan.
Bukod sa distribution utilities at retail suppliers, inaatasan din ng ERC ng parehong direktiba ang generators/suppliers at iba pang government-owned and controlled corporation na nangangasiwa ng electric distribution. (Ara Romero)
-
Digital Logbook System, ipatutupad sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan
LUNGSOD NG MALOLOS- Matapos ang halos isang taong pagsuspinde ng paggamit ng biometrics dahil sa pandemyang COVID-19, sisimulan na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan na ipatupad ang Digital Logbook System na kaloob ng NSPIRE Inc. sa Marso 1, 2021 para mamonitor ang pagpasok ng mga kawani. Sinabi ni Gob. Daniel R. Fernando na ang isinagawang trial ngayong araw […]
-
Pagbasura sa board exams? Philippine Nurses Association, pumalag
Hindi sang-ayon ang Philippine Nurses Association (PNA) sa mungkahi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na ibasura na ang pagbibigay ng licensure examinations. Ayon sa PNA national president na si Melbert Reyes, agad ibinasura ng Board of Nursing ang nasabing proposal dahil kailangan na mapanatili ang competency ng mga health professionals sa bansa. […]
-
Pacquiao mamili na: Garcia o Spence sa Hulyo
KUNG nais umanong bumalik sa ibabaw ng ring ang fighting senator ng Pilipinas na si Manny Pacquiao sa buwan ng Hulyo, kailangan na niyang mamili sa susunod na makakalaban. Sa kasalukuyan, sina Mikey Garcia at Errol Spence Jr., ang natitira sa naunang listahan ni Pacquiao. Ngunit sino kaya ang mas makatotohanan sa dalawa? […]