Customs umalerto vs bagong ‘swine flu’
- Published on July 6, 2020
- by @peoplesbalita
Mahigpit na nakabantay ngayon ang Bureau of Customs (BOC) sa mga borders ng bansa upang maiwasang makapasok ang ang mga kontaminadong karne ng baboy kaugnay ng bagong strain ng swine flu virus.
Ipinag-utos ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero sa lahat ng customs port officials na maging mapagbantay at masusing suriin ang mga dumarating na reefer containers na naglalaman ng karne ng baboy at iba pang produktong karne bago makapasok sa Pilipinas.
“The Bureau of Customs has been strictly monitoring agricultural and other food items and ensuring that proper procedures are followed to guarantee the safety of the consumers and prevent the entry of food that may contain diseases,” ayon sa pahayag ng BOC.
Kabilang sa ipinatutupad na aksyon ng BOC ay ang pagsampa sa mga dumarating na barko ng kanilang mga tauhan at quarantine officers ng Bureau of Animal Industry (BAI), Bureau of Plant Industry (BPI), at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para magsagawa ng inspeksyon.
Matapos ang inisyal na eksaminasyon ng mga boarding officers, nilalagyan ang reefer container ng seal para naman sa 100 porsyentong eksaminasyon ng National Meat Inspection Service sa storage warehouse.
Nagpalabas na rin ang BOC ng panuntunan para sa Electronic Tracking of Containerized Cargo System (E-TRACC System) na isang paraan sa pagsuri sa mga ‘reefer imporation’ sa iba’t ibang pantalan sa bansa. (Daris Jose)
-
PBBM, ipinag-utos na pag-aralang mabuti ang pagsama ng TVET sa SHS curriculum
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang integrasyon o pagsama ng technical and vocational education and training (TVET) sa curriculum ng senior high school (SHS). Ang direktiba ay ibinigay ng Pangulo sa sectoral meeting sa Palasyo ng Malakanyang, layon na matiyak na ang mga SHS graduates ay “ready and employable for the […]
-
Deadma pa rin sa isyu sa lovelife: SUNSHINE, hinangaan sa pagrampa na naka-two piece sa fashion show
İSA si Donita Rose nagtataglay ng magandang mukha sa mga member ng programang “That’s Entertainment” noon ng namayapang German Moreno. Pero ayon pa sa aktres at TV host ay hindi man lang sumagı sa isip ng TV host-actress na maganda siya nung mga panahon na yun. Basta ang nasa ısıpan niya ay naramdaman niyang […]
-
LTFRB, nilinaw na walang katotohanan na phase out na ang traditional jeepney
NILINAW ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na hindi totoong aalisin ng gobyerno ang mga tradisyunal na jeepney sa mga darating na buwan. Ngunit, nagpapatuloy ang planong gawing moderno ang pampublikong sasakyan. Nababahala ang mga driver na hindi na ipagpatuloy ang mga jeepney kapag lumipat ang mga lugar sa […]