• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

D.O.T.S. nina DINGDONG at JENNYLYN, kauna-unahang GMA show na i-stream sa Netflix

TIYAK na masaya ang mga netizens na sumusubaybay sa biggest Philippine adaptation ng Korean Drama na Descendants of the Sun sa kabila ng pandemic na nararanasan natin ngayon dahil sa magandang balitang natanggap nila mula sa GMA Network.

 

Dahil mapapanood na ang 65 episodes sa Netflix simula sa November 13.

 

Ang DOTS PH ang kauna- unahang GMA program to be streamed on Netflix. Mapapanood ito ng eight (8) consecutive Fridays simula sa November 13.

 

 

 

Narito ang complete schedule per episode number Netflix launch date:

1 to 30 November 13, 2020;

31 to 35 November 20, 2020;

36 to 40 November 27, 2020;

41 to 45 December 4, 2020;

46 to 50 December 11, 2020;

51 to 55 December 18, 2020;

56 to 60 December 25, 2020;

at 61 to 65 January 1, 2021.

 

Isa rin itong pag-expand ng GMA Network ng kanilang platform, strengthening its digital presence and providing top-notch entertainment in celebration of its 70th anniversary this year.

 

Pinangungunahan nina Dingdong Dantes at Jennyln Mercado ang romantic story ng alpha team, kasama ang mga award-winning actors na sina Rocco Nacino at Jasmine Curtis-Smith.

 

Matatandaan na noong September 10, nagdiwang ang buong cast at production staff ng serye nang tanggapin nito ang Most Popular Foreign Drama award mula sa 15th Seoul International Drama awards at si Dingdong naman ang tinanghal na Asian Star Prize awardee for his portrayal in the series.

 

Samantala, magsisimula ulit ang airing ng DOTS PH sa October 26, sa pamamagitan ng two-week recap. Sa November 5 magsisimulang mapanood ang fresh episodes ng serye sa GMA Telebabad, 9:15PM, pagkatapos ng Encantadia. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • PBBM: ASEAN, dapat tugunan ang brain drain sa healthcare sector

    DAPAT na mag-adjust ng Southeast Asian countries at maghanap ng paraan para tugunan ang human capital flight, partikular na ang  healthcare sector para sa kapakanan ng rehiyon.     Ang usapin ng brain drain sa health sector ng rehiyon partikular na sa pangingibang-bayan ng mga nars at doktor ay tinalakay sa pakikipagpulong ni Pangulong Ferdinand […]

  • Saso hahataw sa Japan Classic

    Muling sasalang sa aksyon si 2021 US Wo­men’s Open champion Yuka Saso sa kanyang paglahok sa Toto Japan Classic bukas sa Seta Golf Course sa Shiga Prefecture.     Hangad ng 20-anyos na Fil-Japanese golfer na makopo ang korona sa nasabing 72-hole tournament hindi niya napasakamay noong nakaraang taon.     Ito ang unang torneo […]

  • Maraming bansa nagkondena sa pag-angkin ng Russia sa 2 breakaway region ng Ukraine

    DUMARAMI pa ang mga bansa na nagkondena sa tila pag-angkin na ni Russian President Vladimir Putin sa dalawang breakaway region ng Ukraine, ang Donetsk at Luhansk.     Ilan sa mga bansa na naglabas agad ng kanilang pagkondena ay ang United Kingdom, Germany at France.     Ayon sa nasabing mga bansa na ang hakbang […]