DA at DoJ, sanib-puwersa sa paglikha ng “green jobs” para sa PDL
- Published on July 15, 2023
- by @peoplesbalita
SANIB-PUWERSA ang Department of Agriculture at Department of Justice sa paglikha ng ” sustainable green jobs” para sa mga persons deprived of liberty (PDL) o mga preso.
Nauna nang sinaksihan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglagda sa isang kasunduan sa pagitan ng mga ahensiya para sa Reformation Initiative for Sustainable Environment for Food Security (RISE) Project na naglalayong gamitin ang mga nakatiwangwang na lupain ng Bureau of Correction para sa agricultural development para tulungan ang nilalayon ng pamahalaan na makamit ang food security.
Sa pamamagitan ng proyekto, mauugnay ang mga PDL sa farm work para ireporma at ihanda ang mga ito na maisama sa lipunan.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa ceremonial signing ng kasunduan, sinabi ng Pangulo na ang inisyatiba ay patotoo sa “unyielding commitment to both food security and rehabilitative justice” ng pamahalaan.
“By investing in these capacity-building activities, we are not only helping boost food production but also giving our PDLs opportunities to realize their potential for positive change and reformation,” ayon pa sa Punong Ehekutibo.
“The challenges in food security today are multifaceted and complex, thus it is crucial for us that we work together and tap into our respective specialties, expertise, and strengths so we can formulate more comprehensive, empirical, and integrated approaches,” dagdag na wika ng Pangulo.
Ani Pangulong Marcos, ang makamit ang nilalayon ay makapag-aambag sa “much greater humanitarian causes” gaya ng rehabilitasyon at reintegration ng mga PDL tiyakin ang “hunger prevention, poverty alleviation, at mas maayos na kalusugan.
“So I urge our national government agencies to continue pursuing innovative projects that address the needs that evolve now in this modern age for Filipinos. By making innovation our priority, we can expedite the delivery of programs and services and build a more robust economy,” aniya pa rin.
Sa ilalim ng programa, ang mga PDL ay bibigyan ng “tailored support services” na dinisenyo para itatag at paghusayin ang food production at agricultural skills, at maging ang “managerial at operational capacity.”
Sa simula, 500 ektarya ng Iwahig Prison ng BuCor at Penal Farm sa Palawan ang ide-develop para maging agri-tourism sites at food production areas sa pamamagitan ng RISE project.
Matapos ang pilot implementation sa Iwahig, ilulunsad din ang iba pang operating facilities ng BuCor. (Daris Jose)
-
Proyektong PAREX di na itutuloy ng SMC
INIHAYAG ni San Miguel Corporation (SMC) CEO Ramon S. Ang na hindi na itutuloy ng kanilang kumpanya ang pagtatayo ng kontrobersyal na Pasig River Expressway (PAREX). Taong 2021 ng ihayag ng SMC ang kanilang kasunduan na isang Public-Private Partnership (PPP) sa pagtatayo ng nasabing expressway bilang isang bahagi ng programa ng pamahalaan […]
-
Notoryus robbery gang member, timbog sa Valenzuela
NAGWAKAS na ang maliligayang araw ng isang notoryus na miyembro ng kilalang ‘Monsanto Robbery Gang’ nang masakote ng pulisya sa ikinasang manhunt operation sa Valenzuela City. Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na naispatan ang presensya ng akusadong si alyas “Jonard”, 32, na kabilang sa listahan ng mga Most Wanted […]
-
Panganay na anak ni LeBron James na si Bronny kinuhang endorser na ng isang sports brand
PUMIRMA ng endorsement deal sa sports apparel na Nike ang panganay na anak ni Los Angeles Lakers star LeBron James na si Bronny. Isa lamang si Bronny sa limang amateur basketball players na pumirma ng endorsement deals. Una naging bahagi si Bronny ng Nike marketing ng pinakabagong sneakers na Nike LeBron […]