• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, inaasahan na bababa ang presyo ng sibuyas sa ₱100-150/kilo sa oras na dumating na ang inangkat na kalakal

INAASAHAN na ng  Department of Agriculture (DA) na bababa ang presyo ng sibuyas  sa halagang ₱100  kada kilo sa oras na dumating na sa bansa ang inangkat na kalakal.

 

 

“We are looking at the ₱100-150 (per kilo) cap. These are estimates only because we have to get first the final price of the importers and the second is that we have to consider also the cost of production of our farmer,” ayon kay DA Deputy Spokesperson Rex Estoperez sa isang panayam.

 

 

Aniya, may 21,060 metriko tonelada ng imported onions “should arrive not later than (January) 27” para protektahan ang mga magsasaka  lalo pa’t inaasahan na rin ang harvest season.

 

 

Aniya, darating ang imported na sibuyas sa “staggered manner,” ibig sabihin, darating ito ng 7-8 araw mula sa araw  na nag-aplay ng permit ang importer.

 

 

Ani Estoperez, ang aplikasyon para sa importasyon  ay nagsimula, araw ng Lunes at magtatagal hanggang bukas. Enero 13, araw ng Biyernes.

 

 

Kinuwestiyon naman ng ilang agriculture groups at mambabatas ang timing ng approval ng onion importation lalo pa’t ang mga local farmers ay inaasahan na magsisimula ng mag-ani ngayong buwan.

 

 

Ayon sa mga ito, ang pag-angkat ay ginawa sana noong huling bahagi ng 2022.

 

 

Sinabi pa rin ni Estoperez na ipinanukala rin nila ang pag-angkat ng sibuyas “as early as September and October of 2022” dahil inaasahan na nila na sisirit ang preesyo ng sibuyas sa holidays, subalit isinantabi ito dahil sa malaking volume ng nakumpiskang sibuyas.

 

 

“Kung parating ng parating ito at pinabayaan natin, papasok na naman ito sa market, sira na naman yung presyo ng harvest ng magsasaka. With that situation, sabi namin wag muna because the off-season harvest eh dumarating din, but nakita namin yung off-season harvest mukhang hindi enough,” paliwanag nito.

 

 

“Then came Dec. 28 when the DA officials met with onion industry stakeholders to set the ₱250 per kilo suggested retail price (SRP) “on the promise of stakeholders that they will encourage farmers” to lower farmgate prices so market prices will also be lower, ayon kay Estoperez.

 

 

“Pero hindi nayari iyon. Nag-lapse nung yung SRP natin January 7 wala pa ring bumababa sa farmgate price to the level of 250 (pesos),” anito.

 

 

Isa pang konsiderasyon ay ang December inflation data, sumirit ng hanggang fresh 14-year high na 8.1%, sinasabing pinakamataas simula November 2008 na pumalo sa  9.1%.

 

 

Samantala, sinabi ni Estoperez na ang sibuyas ay ang main drivers sa 0.3%, upang makapag-rekumenda para mag-angkat para  magkaroon ng karagdagang suplay sa pamilihan.

 

 

Tiniyak naman ng opisyal sa mga magsasaka na aware sila sa mga concerns ng mga ito at protektado niya ang mga ito habang tinutugunan ang epekto ng sibuyas sa inflation rate.

 

 

“Calibrated po yung importation natin on the time and the volume, so pagdating po dito we are expecting na hindi dapat ito makaapekto ng atin pong harvest,” ani Estoperez.

 

 

Sinabi pa nito na ang mahigpit na border controls ay ipatutupad, “with the first one at ports to check on permits and the second one in cold storage facilities to monitor the release of imported supply to local markets.” (Daris Jose)

Other News
  • April 30 ang huling deadline ng consolidation

    DINIIN ng Department of Transportation (DOTr) sa pangunguna ni DOTr Secretary Jaime Bautista na huling extension na ang deadline sa darating na April 30 tungkol sa public utility vehicle modernization program (PUVMP) ng pamahalaan.       “I think this will be the last and final extension. This is the eight time that we are […]

  • MATTEO, inalala na ‘di madali ang pinagdaanan sa showbiz kaya thankful sa mga nakatulong

    EXCITED si Matteo Guidicelli to be one of the hosts of Born To Be A Star, kasama si Kim Molina.   Matapos na maging judge sa katatapos lang na The Masked Singer Pilipinas ay sumabak naman agad sa pagiging judge ng reality competition si Matteo. Tila paborito ng Viva ang mister ni Sarah Geronimo dahil […]

  • Kuwaiti foreign minister, kinondena ang pagpatay sa OFW na si Ranara

    KINONDENA ng Minister of Foreign Affairs na si  Kuwait Sheikh Salem Abdullah Al-Jaber Al-Sabah ang brutal na pagpatay sa Overseas Filipino Worker na Jullebee Ranara sa Kuwait.     Tinanggap ni Sheikh Salem si Philippine Charge d’ Affaires to Kuwait Jose A. Cabrera III, araw ng Linggo sa  Ministry of Foreign Affairs (MOFA).     […]