• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, naglaan ng P7-M ayuda para sa mga magsasaka, mangingisda na tinamaan ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal

NAGLAAN ang Department of Agriculture (DA) ng P7 milyong piso para tulungan ang mga magsasaka at mangingisda sa Batangas na apektado ng kamakailan lamang na pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

 

 

Sa Talk to the People, sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa, may nakahanda na silang tulong para sa 1,561 magsasaka at mangingisda, ilan sa mga ito ay inilikas sa mga barangay Banyaga at Bilibinwang sa bayan ng Agoncillo.

 

 

“Ang ating pong regional offices at  Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), naghanda ng P7 million na handa po nating ipamigay,” ani de Mesa.

 

 

Kabilang sa ipamimigay na tulong ng DA ay ang 1,401 bags ng inbred seeds, 500 kilograms ng glutinous corn, 250 kgs ng iba’t ibang vegetable seeds, at 1.5 milyong tilapia at fingerlings.

 

 

Subalit, sakali’t magkaroon na naman ng kaso ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal, sinabi ng DA na maglalaan sila ng hanggang P200 million na karagdagang tulong mula sa quick response fund ng departamento.

 

 

Bukod dito, sinabi pa ni de Mesa na ipinalabas na rin ng Department of Budget and Management (DBM) ang budget na inilaan para sa iba pang programa ng DA.

 

 

“Inilabas na po ng DBM ‘yung ating  P500-million fuel discount program at ‘yun pong ating  Rice Farmers Financial Assistance ngayong taon na nagkakahalaga po ng P8.9 billion. Ito po ay malaking tulong kung sakaling magpapatuloy ang problema ng Taal Volcano,” dagdag na pahayag nito.

 

 

Samantala, nananatili namang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Bulkang Taal mula nang magkaroon ng phreatomagmatic eruption noong Marso 26, dahilan para ilikas ang 3,000 residente sa kalapit-barangay. (Daris Jose)

Other News
  • P5.1M HALAGA NG SHABU, NASABAT NG BOC

    TINATAYANG nasa P5.1 milyong halaga ng methamphetamine hydrochloride na karaniwang kilala sa tawag na “Shabu” ang nasabat, habang dalawang claimant ang nasakote matapos ang matagumpay na anti-drug interdiction operation na pinagsama-samang isinagawa ng Bureau of Customs NAIA, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group sa Central Mail Exchange Center noong […]

  • Grupo ng mga aktibista nanawagan sa DOTr at LRTA

    ANG GRUPO ng mga aktibista sa ilalim ng Bagong Alyansang Makabayan ay nanawagan sa Department of Transportation (DOTr) at Light Rail Transit Authority (LRTA) na kanilang bawiin ang nakaambang petisyon upang magkaron ng pagtaas ng pamasahe sa Light Rail Transit Line 1 (LRT1) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT3).       Sa isang […]

  • P103K shabu, nasamsam sa Navotas drug bust, 2 tulak huli

    NASAMSAM sa dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang mahigit P.1 milyong halaga ng shabu matapos malambat ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.     Kinilala ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong mga suspek na sina alyas “Pango”, 50, at alyas “Benson”, 29, […]