DA, naglunsad ng P45/kilo ‘Rice-for-All’ program
- Published on August 2, 2024
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Department of Agriculture (DA) na nakatakda itong maglunsad ng bagong inisyatiba na naglalayong gawing affordable ang presyo ng bigas para sa mga Filipino consumer.
Sinabi ng DA na ilulunsad nila ang Rice-for-All program, araw ng Huwebes, Agosto 1, 2024.
Ang bagong programa ay ‘follow up’ sa P29 Rice Program, na naging available para sa pagbebenta ng mas murang bigas sa halagang P29 per kilo lamang para sa vulnerable sectors.
“Rice under the Rice-for-All program will initially be sold at P45 a kilo. It will be adjusted depending on the movement of rice prices but it will definitely be lower than retail prices in general,” ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
Sinabi pa ng DA na ang Rice-for-All program ay magbebenta sa general public ng well-milled rice na kukunin mula sa rice importers at local traders na limitado lamang sa 25 kilo kada customer kada isang araw.
Sa kabilang dako, sinabi naman ni DA Assistant Secretary at spokesperson Arnel de Mesa na ang Rice-for-All program ay unang iaalok sa apat na Kadiwa outlets — FTI sa Taguig City, Bureau of Plant Industry sa Maynila, Potrero sa Malabon, at sa Caloocan.
Idinagdag pa ni De Mesa na ang bagong programa ay naglalayon na tulungan ang mas maraming Filipino consumers na makayanan ang epekto ng mataas na presyo ng pagkain, naimpluwensiyahan ang inflation at interest rates.
Gayunman, sinabi ni Tiu Laurel na ang Rice-for-All program ay magiging panibagong hakbang tungo sa pagsasakatuparan ng hangarin at vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tiyakin ang availability ng ‘affordable food.’
“President Marcos wants to ensure that every Filipino has access to affordable food during these trying times,”ayon sa Kalihim.
“In line with this, we will continue to expand the Kadiwa network and make available more basic goods to the general public,” ang sinabi pa rin ni Tiu Laurel.
Samantala, sinabi naman ni De Mesa na ang Rice-for-All program ay makatutulong din sa DA na patagalin ang P29 Rice Program.
Sinabi pa niya na P29 Rice Program ay I-extend sa dalawa pang lugar gaya ng Sta. Rosa City sa Laguna at Antipolo City sa Rizal, itinaas ang network covered ng programa sa 17 sites.
Ang 17 Kadiwa outlets na operational para sa P29 Rice Program ay matatagpuan sa susunod na lugar: Bureau of Animal Industry and National Irrigation Administration sa Quezon City; Bureau of Plant Industry sa Manila; Food Terminal Inc. sa Taguig City; PhilFIDA sa Las Piñas; Prang Covered Gym sa Marikina City; Llano, Caloocan City; Valenzuela City; PFCC sa Malabon; Navotas Institute sa Navotas City; Brgy. Fortune at BF City sa Marikina City; San Jose del Monte City sa Bulacan; Bacoor, Cavite; San Pedro City Hall sa Laguna; Sta. Rosa City Hall sa Laguna; at Antipolo City, Rizal.
“Both the P29 Rice and Rice-for-All programs are designed to make this essential staple more accessible and affordable for every Filipino, in line with President Marcos’ vision of ‘Walang magugutom sa Bagong Pilipinas,” ayon kay De Mesa. (Daris Jose)
-
Lalaki ba o Babae?: Trisha Tubu
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon ng isyu tungkol sa mga umano’y lalaki na naglalaro si liga ng mga babae. Isa ngayon si Adamson Falcon women’s volleyball rookie sa nasa gitna ng kotrobersiya dahil kung maglaro ito ay parang may lakas ng isang lalaki bukod pa sa ang itsura, boses nito ay parang […]
-
Kapitbisig sa Pag-unlad MPC, naiuwi ang Cooperative Awards for Continuing Excellence sa GGK 2022
LUNGSOD NG MALOLOS – Sa lahat ng natatanging mga kooperatiba sa lalawigan, naiuwi ng Kapitbisig sa Pag-unlad MPC mula sa bayan ng Pandi ang pinakamataas na parangal na Cooperative Awards for Continuing Excellence sa isinagawang Gawad Galing Kooperatiba 2022 sa pangunguna ng Provincial Cooperative and Enterprise Development Office na ginanap sa The Pavilion, Hiyas ng […]
-
40 days na pagdarasal para sa halalan inilunsad ng CBCP
INILUNSAD ngayong araw ng Caritas Philippines, ang social arm ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) ang “I Vote God” ang “40 days of Prayer and Discernment” para sa May 9, 2022 elections. Layon ng nasabing programa ay para gabayan ang mga botante ganon din ang mga mananampalataya sa tamang pagpili ng […]