• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, nagtakda ng suggested retail price na P125/kilo ng imported red onions

NAGTAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilo sa mga inangkat na pulang sibuyas sa Metro Manila simula bukas dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin.

 

 

Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) kasunod ng endorsement mula sa mga importer, traders at retailers.

 

 

Ayon kay DA Assistant Secretary for consumer affairs at spokesperson Kristine Evangelista nakipagpulong sila sa mga stakeholders’ kasama ang mga importer, traders at retailer.

 

 

Napagkasunduan nilang irekomenda ang P125 kada kilo ng suggested retail price (SRP) para sa mga inangkat na red onions na ngayon ay naaprubahan na.

 

 

Ang suggested retail price ay nag-average ng halaga ng mga red onions, na humigit-kumulang P77 kada kilo, ang presyo ng wholesaler na humigit-kumulang P94-110 kada kilo at ang gastos ng mga retailer tulad ng renta.

 

 

Naghahanap ng paraan ang Department of Agriculture na ipatupad ang Suggested Retail Price sa kalagitnaan ng linggo upang mabigyan sila ng oras na mai-palaam sa publiko ang impormasyon at para sa mga retailer na mag-adjust.

 

 

Nilinaw din ng opisyal na ang mga red onions lamang ang magkakaroon ng SRP dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng pagpasok ng mga imports at local harvests. (Daris Jose)

Other News
  • Kahit na may nagne-nega at kumokontra: JANINE, sinabihan na ‘wag nang itago ang relasyon nila ni PAULO

    HINDI na nga maitatago ang labis na kaligayahan ngayon ni Janine Gutierrez at base ito sa pinost na New York photos, kasama ang isang larawan ni Paulo Avelino na nakatalikod inilagay niya sa bandang huli.     May caption ito ng, “once upon a time in NY (kasama ng pizza icon).”     Nag-comment naman […]

  • Navotas Youth Camp

    INILUNSAD ng pamahalaang lungsod ang Navotas Youth Camp para sa mga kabataang Navoteño upang tamasahin ang kanilang bakasyon sa paaralan habang hinahasa ang kanilang mga kasanayan sa palakasan at sining, bilang bahagi ng 17th Navotas cityhood anniversary. Pinuri naman ni Mayor John Rey Tiangco ang mga kalahok sa pagsusumikap sa kanilang school break. Nasa 477 […]

  • Kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects: ALEXA, mahilig talaga sa alahas kaya nireregaluhan ang sarili

    MAHILIG sa alahas si Alexa Ilacad kaya bagay siyang endorser ng Manila Diamond Studio na may bagong branch sa 5th Floor ng Edsa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City.     Nireregaluhan raw ni Alexa ang kanyang sarili ng alahas kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects niya.     “Yes, actually! Kaya […]