• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, palalakasin ang hybrid rice para labanan ang epekto ng El Niño

PALALAKASIN ng Department of Agriculture (DA) ang hybrid rice para pagaanin ang epekto ng El Niño phenomenon sa mga apektadong lupang sakahan.

 

 

“Iyong pakay natin doon sa programa ng ating Masagana Rice Industry Development Program ay iyong pagpapalakas ng hybrid, dahil alam natin na kapag dito sa dry season, maganda iyong performance ng hybrid ,” ayon kay DA spokesperson, Assistant Secretary Arnel De Mesa.

 

 

Sinabi ni De Mesa na hindi kasi sapat ang tubig sa rain-fed areas lalo pa’t inaasahan na bibigwas ang El Niño mula Pebrero hanggang Marso at hihina naman pagdating ng Abril.

 

 

Aniya, kasunod ng kanilang pagbisita noong nakaraang linggo sa mga lugar sa Pampanga, Bulacan, Nueva Ecija, Ilocos, at Cagayan Valley, sinabi niya na sapat pa naman ang irigasyon.

 

 

“Sapat pa naman iyong tubig lalo na sa Angat at Pantabangan Dam at inaasahan natin na maganda iyong tayo ng ating mga palayan doon ,” ayon kay De Mesa.

 

 

At upang matulungan ang mga magsasaka sa lugar na labis na maaapektuhan ng El Niño, naghanda naman ang DA para sa cloud seeding operations at distribusyon ng small-scale irrigation projects.

 

 

Hinikayat din ng departamento ang mga magsasaka na magtanim ng mga pananim na hindi na kakailanganin ang sobrang tubig at obserbahan ang “alternate wetting and drying” para mabawasan ang pangangailangan para sa water consumption sa mga lupang sakahan.

 

 

“Naglaan din ang Philippine Crop Insurance Corporation ng PHP1.8 billion, para ma-insure iyong mahigit sa 916,000 na magsasaka mula January hanggang June ngayong taon at naglaan din kami ng halos kalahating bilyong piso (500 million) para sa mahigit 200,000 na mga magsasaka na puwedeng maapektuhan ng El Niño,” ani De Mesa.

 

 

At nang tanungin kung ang Pilipinas ay maaaring maging self-sufficient sa rice supply sa 2028, tinuran ni de Mesa na titiyakin ng DA na ilalatag nito ang lahat ng kanilang proyekto lalo na sa irigasyon upang masiguro na tataas ang lokal na produksyon ng bigas. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Golden girl’ Hidilyn Diaz pabalik na ng PH, pasalubong ang ‘Olympic gold medal’

    Pabalik na ng Pilipinas si Hidilyn Diaz matapos ang matagumpay na kampanya sa Tokyo Olympics dala ang gold medal sa nilahukan na weightlifting competitions.     Sa ulat  mula sa Narita International Airport sa Japan, maliit lamang daw ang entourage ni Diaz kung saan kasama rin pabalik ang presidente ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas na […]

  • Wage hike sa 14 rehiyon ipatutupad ngayong Hunyo — DOLE

    INANUNSYO  ng Department of Labor and Employment (DOLE) na 14 mula sa 17 rehiyon sa bansa ang inaasahang tatanggap na ng “wage increase” bago magtapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello kahapon, ang wage orders na inisyu ng 14 Regional Tripartite Wages and Productivity (RTWPBs) ay epek­tibo […]

  • ‘2nd middleman’ sa Percy Lapid slay, bantay-sarado ng BJMP

    KINUMPIRMA  ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa kustodiya nila ang isa pang “middleman” sa pagpatay sa broadcaster na si Percy Lapid at bantay-sarado na nila ito.     Ayon kay BJMP chief Director Allan Iral, naka-isolate na sa isang jail facility sa Metro Manila ang middleman na may drug charges para […]