DA, pinag-aaralan ang lahat ng opsyon para ibaba ang presyo ng sibuyas, pinag-iisipan ang pag-angkat
- Published on May 16, 2023
- by @peoplesbalita
SA GITNA nang tumataas na presyo ng sibyas sa piling pamilihan, sinabi ng Department of Agriculture (DA) na pinag-aaralan nito ang lahat ng opsyon kabilang na ang posibilidad na mag-angkat ng commodity, para mapababa ang presyo nito.
Sinabi ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na nakikipag-ugnayan na sila sa mga onion farmers para idetermina kung paano nila maibababa ang farmgate price, kasalukuyan ngayong nasa P100 hanggang P120 kada kilo.
“Medyo mataas talaga ang ating farmgate price ngayon. Tinitignan natin kung paano, kung pwede talagang i-peg na lang sana sa P100 [per kilo] ang farmgate kung saan nakabawi na ating mga magsasaka, may margins na sila,” ayon kay Evangelista.
Aniya pa, kailangan din na i-monitor ng DA ang “inflow and outflow” ng onion stocks sa cold storage facilities, at i-check ang mga daungan, ports at pamilihan para idetermina kung mayroong ipinagbibili na smuggled onions.
“Sa ngayon, wala naman tayong nakikitang imported na mga sibuyas. Pero all the angles are being looked into para we are working on bringing down the price of onions para sa ating consumers,” ayon kay Evangelista,
Ayon naman sa Bureau of Plant Industry (BPI), ang suplay ng pulang sibuyas sa bansa ay sapat at magtatagal ng hanggang Nobyembre habang ang puting sibuyas naman ay magtatagal ng hanggang Setyembre.
Nauna rito, nanawagan naman ang Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) sa gobyerno na mag-angkat ng puting sibuyas sa Hulyo para makaiwas sa posibleng kakapusan at pagtaas ng presyo.
Para naman sa pulang sibuyas, sinabi ng grupo na ang importasyon ay maaari namang gawin “on a later time.”
Ani Evangelista, kinokonsidera ng DA ang pag-angkat ng commodity para sa price stability purposes.
Hindi naman nagbigay si Evangelista ng “estimated date” sa kung kailan mangyayari ito.
“Siyempre, kailangan nating ma-maintain ang supply. At the same time, we will check ‘yung supply, nakakarating mismo sa palengke. ‘Pag ito ay sapat, ang presyo natin ay magiging stable,” anito. (Daris Jose)
-
Lowest in 5-mos: 3,117 bagong nadagdag na COVID cases sa PH
Mas mababa ang bilang ng mga naitalang bagong kinapitan ng coronavirus kumpara sa mga nakalipas na araw sa Pilipinas. Ito ay makaraang kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang panibagong 3,117 na karagdagang kaso ng COVID-19 sa bansa. Dahil dito ang mga COVID cases mula noong nakaraang taon ay nasa 2,790,375 […]
-
Ads February 7, 2020
-
NEW MUSICAL “CINDERELLA” UNVEILS OFFICIAL TITLE TREATMENT
GET ready for Columbia Pictures’ musically-driven, bold new Cinderella featuring global artists and original songs performed by Camila Cabello, Billy Porter, and Idina Menzel. Coming soon to Philippine cinemas. As production on the film has officially wrapped, check out Cinderella’s newly launched official title treatment below. Cinderella will be distributed in the […]