• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA, tutulungan ang mga magsasaka na mapababa ang production cost

TINIYAK ng  Department of Agriculture (DA) na tutulungan nito ang mga magsasaka na mapababa ang production costs, kinokonsiderang  pangunahing dahilan sa pagtaas ng market price ng bigas.

 

 

Sinabi ni  DA Assistant Secretary Kristine Evangelista na masusi nang nakikipag-ugnayan ang departamento sa grupo ng mga  rice farmers  dahil na rin sa pagtaas ng presyo ng P5 per kilogram.

 

 

“Tinitingnan ng ating kagawaran kung paano ba natin sila matutulungan kung paano pababain ‘yung kanilang cost of production. ‘Yung ating distribution po ng ating machinery not only for production po, but also for post-harvest facilities din po ,” ayon kay Evangelista.

 

 

Tinukoy naman ni Evangelista ang iba’t ibang hamon na naging dahilan ng pagtaas ng  farm-gate at market prices, kabilang na ang mataas na halaga ng  agricultural inputs at climate change.

 

 

Ayon sa  Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG), hindi nag-iisa ang Pilipinas sa mga bansang labis na naapektuhan ng mataas na  production cost, kundi maging ang ibang rice-producing nations.

 

 

“So kung makita natin doon sa merkado, ‘yung presyo ng local natin, tumaas na rin ‘yung presyo, pero mas mataas pa rin ‘yung imported. Nakita natin ‘yung Thailand, Vietnam and itong India, and Pakistan, tumaas din ang presyo. Maski imported man o local, tumaas,”  ayon kay SINAG chairperson Rosendo So sa isnag panayam.

 

 

Sinabi pa ni So  na ang market price ng local well-milled rice ay tumaas ng P5, pumapalo na ngayon sa  P43 kada kilo mula sa P42 kada kilo mas mataas sa dating P37 na naging P38 per kilo.

 

 

“Ang farmgate price sa palay, tumaas na, mga P3.50. Kung nagiling na na bigas, mga P5 ‘yan,” ayon kay So.

 

 

“However, another price increase may be felt for the imported rice from the earlier P2 to P3 adjustment,” dagdag na wika ni So.

 

 

Samantala, inaasahan naman ng grupo ang mababang  market price ng bigas sa susunod na pag-aani sa kabila ng pagbaba ng  input cost.

 

 

‘Yung next season, we hope na itong October to December, pababa na ‘yung presyo kasi ‘yung pataba e bumaba na rin ,” aniya pa rin.

 

 

Sa kasalukuyan, may 60% ng production cost  ang nagmula sa farm input expenditures, nagresulta ng paggalaw ng farmgate at market price. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM dadalo sa APEC Summit sa US

    DADALO sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders meeting sa Estados Unidos sa ­Nobyembre 2023 si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.     Ito ang kinumpirma ni Philippine ambassador to the US Jose Manuel Romualdez.     “President Marcos will be coming in November for the APEC meeting in the West Coast. I am confirming that […]

  • Ads October 25, 2023

  • FIRST U.S. REVIEWS HAIL “THE WOMAN KING” AS OSCAR-WORTHY EPIC ADVENTURE

    FRESH from its successful premiere at the Toronto International Film Festival, the initial reviews for The Woman King are now out, and critics are unanimous in praising Viola Davis’ fierce reinvention as an action hero and the film as a rousing, action-packed crowd-pleaser.       [Watch the film’s trailer at https://youtu.be/Urnw1iqXI9E]     Garnering 100% Fresh Rating over […]