• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA umaapelang madagdagan ng hanggang P10-B ang kanilang 2022 budget

Umaasa ang Department of Agriculture (DA) na mapagbibigyan ang kanilang hiling na madagdan ng P8-10 billion ang kanilang P91-billion 2022 budget.

 

 

Ayon kay DA Asec. Noel Reyes, nakakalungkot para sa Pilipinas na mas malaki pa ang pondong inilalaan ng mga kalapit na bansa tulad ng Thailand at Vietnam sa kanilang agrikultura.

 

 

Kung tutuusin ay ang Pilipinas pa nga ang nagturo sa naturang dalawang bansa sa pagsasaka pero sa ngayon ay mas maunld na ang mga ito.

 

 

Nabatid na ang P231 billion proposed 2022 budget ng DA ay binawasan sa P91 billion na lamang.

 

 

Ayon kay Reyes, kung maari ay madagdagan man lang ng kahit 5 percent ng national budget para mapondohan naman ang mga gastusin ng ahensya.

 

 

Ngayong mayroong pandemya, mas nakita pa nga ng taumbayan ang kahalagahan ng food security kaya marami sa mga tao ngayon ay naging “plantitos at plantitas” na.

Other News
  • IATF, binawi ang requirement sa college students na dadalo sa face-to-face classes na magkaroon ng medical insurance

    INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases ang rekumendasyon ng Commission on Higher Education (CHEd) na bawiin ang medical insurance requirement para sa mga college students.       “Dahil na rin sa rekomendasyon ng Commission on Higher Education, Seksyon IV, item “H” ng CHED-DoH Joint Memorandum Circular NO. […]

  • Latest survey ng SWS, ikinatuwa ng Malakanyang

    NAKAPAGBIBIGAY ng lakas ng loob sa mga filipino ang resulta ng bagong Social Weather Survey (SWS) na nagpapakita ng pagbaba ng vaccine hesitancy at skepticism o pag-aalinlangan.     Napaulat kasi ang patuloy na ang pagbaba ng mga nag-aalinlangan na magpabakuna laban sa COVID-19.     Sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey, walong […]

  • ANDREA, ayaw munang magsalita sa maingay na pagtatambal nila ni John Lloyd sa isang sitcom

    PINAG-UUSAPAN na ang pagbabalik telebisyon ni John Lloyd Cruz.     Kumpirmado na nga itong mapapanood sa GMA-7 instead na sa ABS-CBN na ever since ay home network niyang talaga.     Kasama si Willie Revillame at under sa production ni Willie for a Shopee special muna mapapanood si John Lloyd na sa GMA lalabas. […]