• April 24, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA Usec. Panganiban, itinalagang OIC ng SRA

ITINALAGANG bagong OIC ng Sugar Regulatory Administration (SRA) si Department of Agriculture (DA) Senior Undersecretary Domingo Panganiban.

 

 

Pinalitan ni Panganiban sa puwesto si dating SRA administrator David Alba.

 

 

“As per SRA charter, in the event that there is no administrator, the chairman of the board takes over as the OIC until an administrator is appointed or the board assigns another OIC usually the most senior deputy administrator,” sabi ni SRA board member Pablo  Luis Azcona.

 

 

Si Alba ay nagbitiw sa kanyang puwesto bilang SRA administrator dahil sa lumalalang kalusugan.

 

 

Niliwanag ni Alba na ang kanyang pagbibitiw sa tungkulin ay hindi dahil sa kontrobersyal na importasyon ng 400,000 metric tons ng asukal.

 

 

Si senior under secretary Panganiban ay chairman ng SRA Board na kumakatawan kay Pangulong Bongbong Marcos bilang DA Secretary.

 

 

Si Panganiban ay mananatiling OIC ng SRA hangga’t wala pang naitatalagang bagong SRA administrator. (Daris Jose)

Other News
  • 4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

    LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]

  • ‘Home quarantine’ bawal muli sa Maynila

    Ipinag-utos ni Manila City Mayor Isko Moreno ang pagbabawal muli sa “home quarantine” dahil sa pagkakatuklas sa dalawang kaso ng mas mapanganib na Delta variant sa siyudad.     Sakop ng hindi na pinapayagan sa home quarantine ay ang mga indibiduwal na kinakakikitaan ng sintomas ng COVID-19 at maging ang mga asymptomatic na pasyente.   […]

  • Mga patakbo balikan

    NATUTUWA ang lahat ng mga marathoner, half-marathoner, runner, triathlete, duathlete, aquathlete, cyclist, swimmer at iba pang mga ngangarera sa outdoor at indoor dahil sa maraming nagbalikan ng mga road racing event.     Siyempre kasama po ang inyong lingkod na isang marathoner.     Makakakarera na po po ng face-to-face sa maraming sports event ang […]