• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag gastos sa Tokyo Olympics, pinaplantsa na

Magpupulong ngayong araw ang organizing committee ng Tokyo Olympics 2021 para pag-usapan ang karagdagang gagastusin nila sa opening at closing ceremonies.

 

Plano kasi ng organizer na gumastos ng karagadang $33.7 million.

 

Nauna ng mayroong $82 million ang inilaan na budget sa opening ceremony subalit dahil sa coronavirus pandemic ay hindi ito ipinagpatuloy.

 

Magugunitang nagpatupad na ng 50 cost-cutting measures ang Inernational Olympic Committee at organizers gaya ng iniksian na lamang ang pamamalagi ng mga manlalaro sa athletes village para hindi na kumalat pa ang virus.

 

Gaganapin ang nasabing Olympics sa Hulyo 23 hanggang Agosto 8, 2021.

Other News
  • Omicron wala pa rin sa Pinas – DOH

    Wala pa ring natutukoy na Omicron Covid-19 variant sa Pilipinas, batay sa pinakahuling whole genome sequencing na isi­nagawa nitong Miyerkules.     Sa 48 samples na isinailalim sa sequencing, 38 o 79.17% ang Delta variant o B.1.617.2 habang ang iba pa ay non-VOC lineages o walang lineages na natukoy.     Ayon sa DOH, ang […]

  • Sports na arnis kabilang na sa medal event sa 32nd SEA Games

    SA PAGKAKATAON ang Filipino martial arts na arnis ay kabilang na sa medal event ng 32nd Southeast Asian Games na gaganapin sa Cambodia sa Mayo 2023.     Isa kasi ang arnis na isinama sa 49 sports at 608 events na inanunsiyo ng Philippine Olympic Committee.     Labis naman na ikinatuwa ni Senate President […]

  • Billy, pinararating na gusto lang nilang maka-inspire at makatulong

    NGAYONG nasa TV5 na si Billy Crawford ay dalawa agad ang shows niya, ang daily na Lunch Out Loud at weekend Masked Singer Pilipinas na parehong produced ng Brightlight Productions.   Kaya parang wala namang nabago sa trabaho ni Billy d dahil nu’ng nasa ABS-CBN siya ay dalawa o tatlo ang programa (It’s Showtime, Pilipinas […]