• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag na bagong fire station itatayo sa

MALAPIT nang magkaroon ng karagdagang istasyon ng bumbero ang Navotas City kasunod ng paglagda ng 30-taong usufruct sa pagitan ng pamahalaang lungsod at ng Bureau of Fire Protection (BFP).

 

 

Sa ilalim ng kasunduan, magagamit ng BFP ang 444-square meter lot sa Brgy. Navotas East para sa iminungkahing Navotas Central Fire Station at iba pang pasilidad.

 

 

Pinirmahan ni Mayor John Rey Tiangco ang kasulatan kasama si FCSupt Nahum B. Tarroza, Regional Director ng Bureau of Fire Protection–National Capital Region; FSupt Jude G. de los Reyes, City Fire Marshal; at Jayne B. Rillon, City General Services Officer.

 

 

“Preparation for this usufruct took us five years. Because of limited spaces in our city, we had to expropriate parcels of land for our new central fire station,” paliwanag ni Tiangco.

 

 

“Navotas has fire stations at Brgy. Sipac Almacen, Tangos North, and Tanza 1. Building an additional station would increase our efficiency in responding to emergencies, so we can prevent incidents that could claim lives and property,” dagdag niya.

 

 

Samantala, nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng dalawang fireboats sa Navotas City Fire Station at isang patrol boat sa Bantay Dagat.

 

 

Dumalo din sa event si BFP-NCR Assistant Regional Director SSupt. Rodrigo N. Reyes, at Fire District 2 Fire Marshall Supt. Douglas M. Guiyab. (Richard Mesa)

Other News
  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 46) Story by Geraldine Monzon

    HINDI NA  makapaghintay ang bagong client ng kumpanyang pinagtatrabahuhan ni Bernard na makaharap siya. Naglalaro na sa isip nito ang nalalapit na muli nilang pagkikita.   Nagmadali sa pag-uwi sina Angela at Bernard nang matanggap nila ang tawag ni Bela. Sinalubong agad sila nito ng yakap habang umiiyak.   Sobrang kalungkutan ang naramdaman ni Angela […]

  • Pacman, nanumpa bilang miyembro Multi-Sector Advisory Board ng ng Ph Army

    Pormal nang nanumpa bilang bagong miyembro ng Multi-Sector Advisory Board ng Philippine Army (PA) si Senator Manny Pacquiao.   Si Lt Gen. Gilbert Gapay, commanding general ng Philippine Army, ang nanguna sa event kasama sina M/Gen. Reynaldo Aquino, PA Vice commander, at Lt. Col. Roy Onggao, Army Chief Chaplain.   Nagbigay ng kanyang mensahe ang […]

  • Wala ng magagamit na drug money sa panahon ng pangangampanya sa 2022 elections

    TINIYAK ng Malakanyang na wala ng kakalat na drug money sa 2022 elections dahil ipinasisira na niya para hindi na ma-recycle pa ng mga tinatawag na Ninja cops ang mga nakumpiskang ilegal na droga.   Sinabi ni Presidential spokes- person Harry Roque napara maalis ang pagdududa ng ilan sa naging kautusan na ito ng Pangulo […]