Dagdag na Kadiwa stores, makakatulong sa mga magsasaka
- Published on November 29, 2024
- by @peoplesbalita
INIHAYAG ni Navotas Congresman Toby Tiangco na ang pagdadag ng mas maraming tindahan ng Kadiwa sa buong bansa ay makakatulong para lumaki ang kita ng mga magsasaka at magbibigay sa mga mamimili ng murang pagkain.
Aniya, layunin ng Department of Agriculture (DA) na magtayo ng 71 pang Kadiwa sites sa pagtatapos ng taon, na nakatuon sa mga pangunahing lungsod sa labas ng National Capital Region (NCR).
“Napatunayan po ng administrasyong Marcos na kaya nating ibaba ang presyo ng prutas, gulay at iba pang pagkain. Napakalaking tulong ng Kadiwa stores sa ating mga kababayan at dapat lang maiparating pa natin ang programang ito sa iba’t ibang bahagi ng bansa,” ani Tiangco.
“Bukod dito, malaking tulong din ito sa ating mga magsasaka dahil nabibigyan sila ng pagkakataon na direktang ibenta ang kanilang ani. Dahil walang middleman, lumalaki ang kanilang kinikita habang nagiging mas mura naman ang presyo ng pagkain,” dagdag niya.
Sinabi pa ng mambabatas na ang pagpapalawak ng Kadiwa sa iba’t ibang bahagi ng bansa ay naaayon sa layunin ni Pangulong Marcos para mas madaling mapuntahan ang mga ito at magbenta ng mga murang produktong pang-agrikultura sa mga Pilipino.
Sa kasalukuyan, mayroong 41 operational Kadiwa centers sa buong bansa, kasama ang 67 iba pa na pinamamahalaan ng National Irrigation Administration habang ang karamihan ay matatagpuan sa NCR, mayroon ding mga site sa Rizal, Laguna, Cavite, Bulacan, at Cebu.
Ani Tiangco, plano ng administrasyong Marcos na magbukas ng 1,500 Kadiwa sites sa buong bansa sa 2028. (Richard Mesa)
-
MMDA chair Abalos, walang nakikitang pangangailangan na muling magpataw ng bagong curfew hour sa NCR
SINABI ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos na hindi kailangan na muling magpataw ng curfew sa National Capital Region (NCR) dahil ang mga residente ngayon ng rehiyon ay marunong “mag-self regulate” sa gitna ng surge sa COVID-19 cases. Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Abalos na alas-8 pa lamang […]
-
Pinagawang bahay, marami pang gustong baguhin: PIA, tututukan ang master bedroom na mala-penthouse suite ang aura
Winwyn Marquez sa pagsayaw sa TikTok. Pinatunayan ni Winwyn na anak nga si Alma Moreno at namana niya rito ang husay sa pagsayaw, kesehodang may malaking tiyan siya. Pinost niya ang TikTok video kunsaan sumayaw siya sa song na “23 Ape Drums x Ram Pam Pam” at nilagyan niya ito ng caption na: […]
-
Senator Jinggoy Estrada, kumambiyo sa ban sa K-drama
NILINAW ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang balak maghain ng panukalang batas para ipa-ban ang mga Korean dramas sa bansa at nais lamang sana niya na unahin ang mga Filipino talents na tangkilikin upang magkaroon sila ng trabaho. Inamin din ni Estrada na naihayag lamang niya ang kanyang saloobin tungkol sa mga […]