DAGDAG na naman na BABAYARAN sa DRIVER’s STUDENT PERMIT
- Published on July 6, 2020
- by @peoplesbalita
Mula sa Agosto 3 ay mandatory na sa mga kumukuha ng student permit para sa driving na mag undergo ng “at least 15 hours” na theoretical course mula sa mga LTO accredited driving schools o sa Drivers Education Centers ng LTO.
Ang paniwala ng LTO ay sa ganitong paraan “mas magiging disiplinado at courteous” ang mga drivers. Pero take note po – hindi ito libre. May bayad po! Mas maganda raw na may gastos para pagpahalagaan ng mga aplikante ang driver’s license nila. Pero parang isa ulit itong sampol na pag hindi kaya ng gobyerno ay ipapasa sa pribadong sektor at pagkakitaan ang “solusyon” sa problema.
Marami naman kasi na nagkaka-lisensya na hilaw pa sa kaalaman sa pagmamaneho. Pero teka, diba’t kahit may student license ay dadaan pa rin sa examination bago makakuha ng driver’s license? Kung hindi dapat pumasa ang isang aplikante ng lisensya eh bakit nakakakuha pa rin ng driver’s license?
Ang student permit ay hindi lisensya! Kaya nga ‘student’ – para magaaral na makapagmaneho. At talaga bang kailangan yung ‘15 hours’ theoretical mandatory course bago makakuha ng student permit?
Sigurado kayang walang mangyayaring magic na naman dito at basta mag-i-isue na lang ng certificate of completion? Kung kailangan talaga na “kahit papaano” ay may alam na sa pagmamaneho ang isang kumukuha ng lisensya bakit hindi sa high school pa lang ay ma-integrate na ang driving lessons – wala pang gastos.
At kapag kukuha ka ng student permit at graduate ka na ng high school ay mas me alam ka na kaysa kukuha pa ng 15-hours theoretical course. O kaya naman para wala nang gastos para sa mga nais magmaneho – maliban sa mga accredited driving schools ay mag-offer ang TESDA o mga LGU ng driving lessons.
Pa-accredit nila sa LTO at libre pa nila makukuha ang mandatory na 15-hours theoretical course. Sana ay ma-konsidera ng LTO ito para naman yung mga hindi makakayanan ang enrollment fee sa mga accredited driving schools ay may pag-asa naman na makakuha ng lisensya sa ligal na paraan. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Pinaghahandaan na ang bonggang wedding: ROBI, emosyonal nang alalahanin ang tulong ng mga magulang sa pagtupad ng mga pangarap
PINAGHAHANDAAN na raw ni Robi Domingo ang magiging bonggang wedding nila ng kanyang fiancee na si Maiqui Pineda. Ibinahagi ni Robi na maliban sa kasal ay naghahanda na rin sila ni Maiqui sa buhay na pagsasamahan nila bilang mag-asawa. “Right now, safe to say na may mga hakbang na ginagawa na […]
-
PBBM, binigyang -pugay ang mga kababaihan at kalalakihan na nagpagmalas ng kagitingan para sa bayan
BINIBIGYANG-pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang lahat ng mga kababaihan at kalalakihan na nagpamalas ng kanilang kakaibang katapangan at giting sa pakikipag-laban at nagsakripisyo alang-alang sa bayan. Ang mensahe na ito ng Pangulo ay matapos magpahayag na kaisa siya ng sambayanang Filipino na nagdiriwang ngayon ng National Heroes Day o Araw ng […]
-
Alert Level 3 para sa NCR may ‘good chance’, – Sec. Roque
HABANG patuloy na bumababa ang kaso ng Covid -19, sinabi ng Malakanyang na may “good chance” ang National Capital Region (NCR) na i-downgrade o ibaba sa Alert Level 3, stage ang bagong coronavirus (COVID-19) response system na ikinasa sa rehiyon. Layon nito na payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad para magbalik operasyon. […]