Dagdag na P1K social pension sa mahihirap na seniors, may pondo
- Published on April 5, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes na may pondo para sa P1,000 social pension ng may apat na milyong mahihirap na senior citizens sa bansa.
Ito ay batay na rin sa kumpirmasyon sa kanila ni Social Welfare Sec. Rex Gatchalian na nagsabing ang karagdagan P25.6 bilyon na kakailanganin para sa dobleng halaga ng pensyon ay huhugutin sa “unprogrammed funds” ng kagawaran.
Ipinagmalaki ng kongresista na naging matagumpay ang kanilang pagsisikap na matiyak na magkaroon ng pondo ang dagdag na pensyon.
Sa ngayon, sinabi ni Ordanes na hinihintay na lamang ni Gatchalian ang implementing rules and regulations (IRR) na magmumula sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Sa impormasyon naman ni Ordanes, Agosto pa nang simulan ng NCSC, na pinamumunuan ni Chairman Franklin Quijano, ang pagbalangkas sa IRR.
“Ang kailangan na lamang talaga ay ang IRR mula sa NCSC para matanggap na ng mga indigent senior citizens ang dagdag nilang pensyon na matagal na nilang hinihintay,” pahayag ni Ordanes, na lumabas na Top 10 sa performance rating sa hanay ng partylist representatives base sa RP-Mission and Development (RPMD) survey.
-
Character Posters Revealed: ‘The Garfield Movie’ Brings Furry Fun This Summer
FEAST your eyes on the freshly released character posters for “The Garfield Movie,” hitting theaters May 29. Join Chris Pratt and a stellar cast for a lasagna-filled journey of laughs. This summer, prepare to be whisked away on a delightful journey with “The Garfield Movie,” as it brings to life the beloved comic […]
-
‘NBA nalugi ng $8.3-B dahil sa COVID pandemic’
UMAABOT umano sa 10 porsyento o katumbas ng $8.3 billion ang ikinalugi ng NBA para sa 2019-2020 season dahil sa epekto ng coronavirus pandemic. Sa naturang halaga kabilang umano sa dahilan nang pagsadsad sa kita ng NBA ay mula sa gate receipts na umaabot ng $800 million bunsod nang kawalan ng mga fans sa […]
-
Para itulak ang BIDA anti-drugs program, gamitin ang barangay assembly- Abalos
PANAHON na para gamitin ng mga opisyal ng 42,046 barangay ang barangay assembly para makakuha ng suporta para sa anti-drug campaign ng pamahalaan. Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang “Buhay Ingatan, Droga Ayawan” (BIDA) program, isang nationwide anti-narcotics drive na naglalayong labanan ang illegal drugs sa […]