Dagdag na pulis idi-deploy sa mga vaccination sites, ayuda centers sa ECQ areas – Sec. Año
- Published on August 3, 2021
- by @peoplesbalita
Magdi-deploy ng karagdang police personnel ang Philippine National Police (PNP) sa ibat-ibang vaccination sites, ayuda centers, palengke at supermarkets sa National Capital region sa panahon na umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ).
Ito ang kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
Ayon sa kalihim layon nito para matiyak ang kaayusan sa mga nasabing lugar lalo na kung nasusunod ang striktong minimum public health standard.
Sa ngayon, mahigpit na border controls ang ipinapatupad sa NCR Plus.
Binigyang-diin ni Año na mga cargo vehicles, trucks at authorized person outside residence (APOR) lamang ang maaaring makadaan sa mga borders.
Aniya, may dedicated checkpoints para sa mga cargo trucks na maghahatid ng essential goods sa Metro Manila.
Ang mga APORs ay dapat ipakita sa checkpoints ang kanilang identifications cards at iba pang valid IDs na inisyu ng mga establishments na pinayagan mag-operate. (Daris Jose)
-
$2-M ADB grant para suportahan ang ‘Odette’ relief ng Pilipinas
INAPRUBAHAN ng Asian Development Bank (ADB) ang $2-million grant para suportahan ang emergency response ng gobyerno ng Pilipinas sa mga nasalanta at nawasak na lugar sa central at southern provinces dulot ng bagyong Odette. Ang bagyong Odette ang itinturing na “strongest typhoon” na tumama sa bansa noong nakaraang taon. Ang grant […]
-
Tuloy ang laban para kay Amit
ANIM na buwan sa linggong ito ang Coronavirus Disease 201919, pero tuloy pa rin ang buhay para kay 2019 Philippine Southeast Asian Games billiards double gold medalist Rubilen Amit. Maalaga ang ang two-time World Pool Billiard Association (WPA) world women’s 10-ball champion sa kaisipan, sa katawan at sa ispirituwal. “This pandemic mostly attending […]
-
Rightsizing, hindi para sibakin ang empleyado -PBBM
NILINAW ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang rightsizing ay hindi para sibakin sa trabaho ang mga empleyado kundi magsisilbi itong tool o kasangkapan para “i-upskill at reskill” ang kasalukuyang government workforce para mapahusay ang state services at mga programa. Nauna rito, ipinag-utos ng Pangulo ang pag-assess sa mga posisyon sa ehekutibong sangay ng […]