Dagdag pang 1.3-M Moderna vaccines dumating sa PH
- Published on November 18, 2021
- by @peoplesbalita
Panibago na namang maraming bilang ng Moderna vaccines ang dumating nitong araw ng Martes sa Pilipinas.
Ang mga bakuna ay sakay ng China Airlines plane na nag-landing sa NAIA Terminal 1 sa Parañaque City na kabilang sa nabili na suplay ng Pilipinas.
Sa ngayon ang Moderna supply ng bansa ay umaabot na sa 13.04 million doses.
Sinasabing sa naturang bilang ang 7.31 million doses ay mabili ng pamahalaan, habang ang tatlong milyon naman ay donasyon ng WHO COVAX facility at ang 2.72 million doses ay nabili ng private sector.
Una rito, kagabi rin isang Hong Kong Airlines plane ang dumating sa Pilipinas sakay ang 301,860 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines.
-
2 HULI SA AKTONG IBINEBENTA ANG TINANGAY NA MOTOR
ISINELDA ang dalawang lalaki matapos maaktuhan ng pulisya habang ibinebenta ang kanilang tinangay na motor sa Navotas City sa isang tindahan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Maj. Jessie Misal, hepe ng Northern Police District-District Anti-Carnapping Unit (NPD-DACU) ang mga naarestong suspek na sina Christian Lecaros, 20 ng Tondo, Manila […]
-
Mayor Along naghain na ng COC
NAGHAIN na ng kanyang Certificate of Candidacy (COC) si incumbent Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan para sa muli niyang pagtakbo sa halalan bilang alkalde ng Lungsod ng Caloocan na ginanap sa SM Grand Central. Kasama ni Mayor Along ang kanyang asawang si Aubrey, ang kanyang pamilya sa pangunguna ng kanyang ama na si […]
-
P470 umento sa NCR, ipipilit sa wage board
MULING naghain ang Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng P470 dagdag-suweldo para sa mga manggagawa sa Metro Manila. Ito ay makaraang ibasura noong Lunes ng wage board ang naunang petisyon ng TUCP dahil hindi umano sila maaaring makapagbigay ng “across the board” na umento. […]