Dagdag pang 600K driver’s license plastic cards, dumating na sa LTO
- Published on April 17, 2024
- by @peoplesbalita
TINIYAK ni Land Transportation Office (LTO) Chief Vigor Mendoza na makukumpleto na ang 3.2 milyong backlog sa plastic cards ng driver’s license sa loob ng 45-araw.
Ito ay makaraang matanggap na rin ng LTO ang 600,000 pang piraso ng plastic cards na ginagamit sa pag-imprenta ng driver’s license cards.
Aniya, ang paghahatid ng karagdagang plastic cards ay makakatugon sa backlog sa mga plastic-printed driver’s license.
Una dito, ang unang isang milyong piraso ng plastic cards ay naihatid noong Marso 25 matapos alisin ng Court of Appeals ang injunction order sa paghahatid ng natitirang hindi naideliver na plastic cards mula sa kumpanyang Banner Plastic na nanalo sa bidding para sa delivery ng plastic cards noong nakaraang taon.
Isang araw matapos maihatid ang isang milyong piraso ng plastic card, agad na naglabas ang LTO ng schedule ng renewal ng expired na driver’s license upang tuluyang makuha ng mga motorista ang kanilang plastic-printed driver’s license.
Layunin ng renewal schedule na matiyak ang maayos na pagproseso at pamamahagi ng mga plastic-printed plastic card sa lahat ng tanggapan ng LTO sa buong bansa. (Daris Jose)
-
Panawagan ng Tsina na paghahanda para sa sea row; walang bago-PBBM
WALANG bago sa naging panawagan ni Chinese President Xi Jinping sa armed forces na makipagtulungan para sa paghahanda para sa mga military conflicts sa karagatan. ”Well frankly I don’t think there is anything new there. That’s what they’ve been doing already. They have defined the 10-dash line and they continue to defend it. For our […]
-
Congress walang batas pa tungkol sa motorcycle taxis
TAONG 2019 nabuo ang technical working group (TWG) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board tungkol sa isang feasibility study sa motorcycle taxis. “Legalizing what has already been widely adopted, the study was supposed to last for only two years, but amid the realities of a pandemic and public pressure, it had been […]
-
PAGDAMI ng TNVS COLORUM NAKAKABAHALA
Nilimitahan ng LTFRB ang mga pinayagang makabyahe na mga TNVS. Ibig sabihin nito ay extended ang pagkatengga at kawalan ng hanapbuhay ng daan-daang drivers. May mga pinayagan din bumyahe pero meron ngang hindi. Kung ano ang basehan sa pagpili, tanging LTFRB lang ang nakakaalam at ang makasasagot sa tanong na yan. Kaya naman dumiskarte […]