• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dagdag sa DA budget, subsidies, pagagaanin ang impact ng inflation

NAGPAHAYAG ng kumpiyansa ang isang mataas na lider ng Kamara na ang halos 40% increase sa badyet ng Department of Agriculture (DA) sa susunod na taon at ang patuloy na subsidiya sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa bulnerableng sector, ay makakatulong para maisaayos at mapagaan ang impact ng mataas na inflation rates.

 

 

“Kaya importante na tumaas ang budget ng DA. As we know, iyong inflation rate kasi weighted average iyan ng inflation rate ng iba’t ibang commodities. As we know, iyong commodity na mayroong pinakamalaking weight is of course food, one way to reduce food inflation rate is to ensure na mayroon tayong adequate supply,” ani Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, senior vice chairperson ng House committee on appropriations.

 

 

Ayon sa mambabatas, makakatulong ang pagtaas sa alokasyon ng DA para sa pagpapatupad ng mga programa nito na magsisiguro sa food security ng bansa.

 

 

“So ibig sabihin, kailangan nating palawakin ang suplay ng agricultural crops natin. Nandiyan ang bigas, corn, of course nandiyan ang karne, ang fish at meat,” dagdag ni Quimbo.

 

 

Naniniwala rin ito na tama ang direksiyon ng gobyerno na bigyan ng sapat na atensiyon at sapat na dagdag ang budget ng Department of Agriculture dahil kapag dumadami ang suplay ay puwedeng mapababa ang presyo ng pagkain.

 

 

Ang badyet ng DA para sa susunod na taon ay tumaas ng P46.5 billion o 39.62% mula sa P117.29 billion ngayon taon o magiging P163.75 billion sa 2023.

 

 

Importante rin aniya ang patuloy na ibinibigay na subsidiya ng DSWD para matulungan ang bulnerableng sector sa impact ng mataas na presyo ng bilihin.

 

 

“Kaya importante ang DSWD assistance programs, we have to make sure na ang ating mga kababayan na nangangailangan, nandiyan ang sufficiently funded na iba’t ibang assistance programs. With or without the pandemic, dapat may assistance programs talaga,” pahayag pa ni Quimbo. (Ara Romero)

Other News
  • PSC, umapela na sa kongreso at senado sa pagkokonsidera ng COMELEC sa mga SEA GAMES athletes sa local absentee voting

    Umaasa ang Philippine Sports Commission na magagawan pa ng paraan ng Commission on Elections upang makaboto ang mga atleta at coaches na makikilahok sa Southeast Asian Games na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.     Nauna nang nagpatupad at nag-abiso ang COMELEC sa PSC na ang mga national athletes na lalahok sa SEA Games sa May […]

  • Mga barangay chairman na pabaya sa pagkalat ng COVID-19 ipapaaresto na – Duterte

    Muling ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kapulisan na arestuhin ang mga punong barangay na bigong pagbawalan ang mga nagaganap na mass gathering para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.     Sinabi ng pangulo, isang pagpapabaya sa mga sinumpaang tungkulin ng punong barangay kapag hahayaan lamang magkaroon ng hawaan ng virus.     Dagdag […]

  • Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) umakyat sa ₱58 billion ngayong 2024

    TUMAAS ng 78% o P58 bilyon ang Medical Assistance for Indigent and Financially-Incapacitated Patients (MAIP) ngayong taon ng 2024.     Ang MAIP ay isang national initiative na naglalayong magbigay ng tulong pinansiyal para sa mga  underprivileged patient.     Matatandaan na umabot lamang sa ₱32.6 billion budgetary provision sa 2023 General Appropriations Act (GAA). […]