• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil ‘di nabigyan ng Canadian visa: JUDY ANN, ‘di na muna matutuloy sa movie nila ni SAM

NOW it can be told… hindi (muna) tuloy ang shooting ni Judy Ann Santos para sa pelikulang “The Diary of Mrs. Winters.”

 

 

Dapat sana ay nito pang Marso tumulak patungong Canada ang buong team ng nabanggit na horror film pero hindi sila natuloy.

 

 

At ngayong araw ng Martes, April 11, sa kanyang Instagram Story ay inihayag na mismo ni Judy Ann kung ano ang nangyari.

 

 

“Sa mga nagtatanong hindi po kami natuloy mag- Canada, hindi lumabas yung visa ko, specifically, so it will be pushed back to next year.

 

 

“But all is good, all is good, all the production is good siguro sadyang hindi pa lang naaayon ang mga bagay-bagay.

 

 

“Sa pagkakataong ito, but you know sadyang maproseso lang ang mga ganap.”

 

 

Sa “The Diary Of Mrs. Winters” muling magsasama sina Judy Ann at Sam Milby makalipas ang sampung taon. Huli silang nagkatrabaho sa seryeng “Huwag Ka Lang Mawawala” sa ABS-CBN.

 

 

Sa direksyon ni Rahyan Carlos, at mula sa produksyon ng AMP Studios Canada at HappyKarga Films.

 

 

Ma-delay man, siguradong itutuyloy ang shoot ng pelikula sa Canada at dito sa Pilipinas.

 

 

Samantala, sa ngayon ay balik-taping si Judy Ann para sa isang serye na hindi pa maaaring ibulgar ang mga detalye pero soon ay mababasa rin ninyo dito sa pahayagang ito.

 

 

***

 

 

MADALAS mag-post sa kanyang Instagram account si Anthony Rosaldo ng kanyang mga hubad na larawan kaya tinanong namin siya kung may mga “nagpaparamdam o nanliligaw” sa kanya.

 

 

“Daming nagpaparamdam, as in! Lalo po sa mga filtered messages pero, ako always grateful po ako e, if there’s one na talagang nakaka-appreciate, I will say thank you.

 

 

“And I don’t actually get offended sa mga indecent proposals o ganyan, mga ligaw, kasi for me ano po yan e, parang talagang, nag-appreciate lang naman sila in their own way po.

 

 

“Kaya ako po I also respect kung anuman ang opinyon nila be it pangit o maganda, it’s still a compliment po para sa akin.”

 

 

Tinanong na rin namin ang The Clash season 1 grand finalist at Sparkle male artist kung ano na ang pinakabongga na offer na medyo nawindang o nagulat siya.

 

 

“Windang po? Ang dami po kasi pero yung recent po like parang ano lang, dinner daw po, fifty thousand (pesos), dinner!”

 

 

Hindi raw binubuksan ni Anthony ang mga ganoong message.

 

 

Samantala, gaganap si Anthony bilang Hector sa pinakauna niyang musical stageplay, ang Ang Huling El Bimbo musical play simula sa April 21 sa Newport Performing Arts Theater sa Newport World Resorts.

 

 

Mapapanood ito tuwing Biyernes at Sabado tuwing alas otso ng gabi at may matinee performances naman tuwing Sabado at Linggo alas tres ng hapon.

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • PBBM, hindi pa nagtatalaga ng BI commissioner

    KAAGAD na pinabulaanan ng Malakanyang na itinalaga ni Pangulong  Ferdinand  Marcos Jr. si Atty. Abrahan Espejo Jr.,  dating dean ng  College of Law ng New Era University, bilang  bagong  BI commissioner.    Giit ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, hanggang ngayon ay wala pa ring napipisil si Pangulong Marcos na maging bagong BI Commissioner.   “No […]

  • Pag ratipika sa 2023 nat’l budget prayoridad ngayon ng Kamara

    KINUMPIRMA ni House Speaker Martin Romualdez na prayoridad ng Kamara na ratipikahan ang P5.268 trillion 2023 national budget ng Marcos administration at ang pagpasa sa ikatlo at huling pagbasa ng 16 hanggang 18 sa 30 [initial] na natitirang Legislative-Executive Development Advisory (LEDAC)-priority measures bago mag-Christmas break ang Kongreso simula sa Disyembre 17.     Ayon […]

  • Supportive naman at ‘nakikialam’ in a good way: LA, never nagka-problema sa mommy niya sa naging girlfriends

    HINDI raw nagkaroon ng problema si LA Santos sa pagitan ng mommy Flor Santos niya at sa mga naging girlfriends niya dati.     Natatawang lahad ni LA, “Ano naman po si mommy, parang never naman akong nagkaroon ng eksena na ayaw niya yung girlfriend ko.     “Kasi po, magaling akong pumili ng girl […]