Dahil hindi alam kung saan dadalhin ang trophy: SHARON na nagwaging Best Actress, wanted sa GEMS Awards
- Published on February 3, 2022
- by @peoplesbalita
WANTED ng GEMS (Guild of Educators, Mentors and Students) si Megastar Sharon Cuneta.
Si Sharon kasi ang best actress winner ng GEMS Awards para sa Revirginized, ang unang Vivamax movie ng aktres.
Gusto sana nila tanungin si Ate Shawie kung saan nila pwede ihatid ang kanyang trophy.
Kaso kababalik lang ni Sharon sa Ilocos para sa lock-in taping ng FPJ’s Ang Probinsyano kaya malamang na matatagalan pa ang pagbalik niya sa Manila.
Anyway, gusto namin batiin si Sharon sa kanyang award and we hope she wins more awards for Revirginized.
***
SUSUGAL sa pagpoprodyus si Marc Cubales via the Finding Daddy Blake under MC Productions at 2076 Kolektib. Siyempre natanong si Marc kung bakit nagdesisyong siyang magprodyus sa alanganing pagkakataon dahil sa kumakalat na virus?
Sabi ni Marc for the love of the showbiz industry. Ito raw ang magandang panahon para makatulong siya sa film industry workers.
“Saka magiging stress reliever ko ito kasi lately, sobrang stress ako, sa negosyo ko, sa construction at sa iba pa, nagkasabay-sabay. Dito sa pagpo-prodyus ko, para maiba naman ‘di ba, dito, medyo light lang.
“Oo, maglalabas ka ng pera pero iba ang saya, I feel good pag nasa showbiz industry ka at nakatutulong sa mga nawalan ng trabaho”, katwiran pa ni Marc.
Natanong din namin siya kung pinag-aralan ba niya nang husto ang pagpoprodyus?
Aniya, “Oo, bago ko pinasok, sinigurado ko muna na okey ang funding ko. Syempre, ayaw ko naman tipirin ang production. Saka, nung mabasa ko ang story at concept, nagandahan ako. A must watch lalo’t nauuso ngayon ang BL serye/movie”.
Promise ni Marc di niya titipirin ang production.
“Thankful ako kasi well funded and I’m ready. Kaya ng budget at sure na may quality ang film, hindi lang basta-basta pelikula, kapupulutan siya ng aral”.
(RICKY CALDERON)
-
Halos 13k katao apektado ng lindol sa Abra
LALO pang dumami ang mga naapektuhan ng magnitude 7.0 na lindol mula sa hilagang bahagi ng Luzon, bagay na nag-iwan na ng apat na patay at mahigit isang daang sugatan. Ito ang pahayag ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) patungkol sa pagyanig nitong Miyerkules na siyang nagmula sa epicenter na […]
-
MARIAN, mukhang nainggit sa pagiging ‘fangirl’ ni BEA kay HYUN BIN
USUNG-USO na ang fangirling sa ating mga aktres ngayon, isa na nga ang bagong Kapuso actress na si Bea Alonzo. Nang mapanood niya ang sarili niya kasama in one frame ang bida ng Crash Landing On You na si Korean actor Hyun Bin for an advertisement ng isang shopping app na laging napapanood […]
-
Administrasyong Marcos, inilunsad ang PH Multisectoral Nutrition Project
PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang paglulunsad ng Philippine Multi-sectoral Nutrition Project (PMNP) na may temang “Better Bodies and Minds.” Sa naging talumpati sa nasabing event sa Manila Hotel, sinabi ni Pangulong Marcos na committed ang kanyang administrasyon na mamuhunan sa 110-million strong population ng bansa, kinokonsiderang “main drivers” ng ekonomiya. […]