• November 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil inakalang nang marami na ikakasal na sila: BIANCA, nilinaw na old photo yun at teaser ng project nila ni RURU

CONGRATULATIONS to Matteo Guidicelli, the first celebrity reservist to join the VIPPC training program. Matteo has finished the Very Important Person Protection Course (VIPPC) under the Presidential Security Group (PSG) as part of its class 129-2022.

 

 

Nag-share si Matteo ng photos sa kanyang Instagram ng graduation ceremony niya last Monday, October 24, na ginanap sa Malacanang Park, ang wife niyang si Sarah Geronimo, is seen pinning a badge on him, at habang tinatanggap din niya ang kanyang certificate of merit for being a “Snapshooter NR 3.”

 

 

Nagpasalamat si Matteo sa kanyang family and friends.  “It was an honor to train with the best from the PSG.”

 

 

Nagsimulang mag-training si Matteo noong August, “a highly-specialized professional service course that is offered to the PSG troopers who are dedicated to ensure a 360-degree protection of the President, his immediate family, as well as visitng heads of state or government.”

 

 

***

 

 

MARAMING natuwa at kinilig na mga fans nina Bianca Umali at Ruru Madrid nang mag-post si Kapuso actress ng: “I found the right one,” na sinagot ni Kapuso actor ng “I FOUND THE RIGHT ONE!”

 

 

May suot na ring si Bianca habang hawak ni Ruru ang kamay niya.  Akala tuloy ng mga fans and friends nila ay may kasalan nang magaganap.

 

 

Pero madali itong nilinaw ng dalawa sa interview sa kanila ni Aubrey Carampel sa ‘Chika Minute’ ng “24 Oras.”

 

 

Ayon kay Bianca, luma na raw iyong photo niyang inilabas at parang teaser daw nila sa upcoming project na pagbibidahan nila sa GMA Public Affairs, ang “The Write One.”

 

 

First time ito na magkakatrabaho silang dalawa, sa isang serye, kaya excited sila pareho.  Regularly silang napapanood as hosts, every Sunday sa “All-Out Sundays,” 12 noon, sa GMA-7.

 

 

Matatandaang naunang gumawa ng mga serye si Ruru sa GMA Public Affairs, ang pinakahuli ay ang “Lolong” na sabi’y magkakaroon ng season two.

 

 

First time nila ni Bianca roon ang “The Write One” na tungkol sa second chances, love at acceptance.  Sisimulan na nila ang taping before the year ends at mapapanood naman ito early 2023, sa GMA-7.

 

                                             ***

 

 

LAUNCHED na to solo stardom si Kapuso young actress Kate Valdez sa upcoming GMA Afternoon Prime series, “Unica Hija.”

 

 

She will play two roles, bilang si Bianca at ang kanyang clone, si Hope.  Ang maganda, hindi magkikita ang dalawang Kate sa isang eksena, kaya hindi masyadong mahirap para sa kanya.

 

 

Sa story, si Bianca ay anak nina Katrina Halili at Alfred Vargas.  Mamamatay si Bianca, pero si Alfred, na isang scientist at perfect sa cloning, ay iko-clone niya si Bianca na siyang magiging si Hope, na lalaking mahirap at pahihirapan ng mga nag-ampon sa kanya, sina Maricar de Mesa and her heartless daughter, Faith da Silva.

 

 

“I enjoyed playing both the roles of Bianca and Hope,” kuwento ni Kate.  “Mayaman si Bianca, and Hope is totally different na lumaking mahirap at inaapi-api.  All her life, she longs for acceptance.  She wants to belong.

 

 

“I also enjoyed working with my leading man, si Kelvin Miranda.  Madali kaming nagkasundo and we got along fine during the whole duration of our location shoot.”

 

 

Sa November 7 na ang world premiere ng “Unica Hija” na mapapanood araw-araw, at 3:20 PM after “Abot-Kamay na Pangarap”.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Teodoro, hinikayat ang DTI na palakasin , pagtibayin ang presyo, supply monitoring para sa El Niño

    HINIKAYAT ni Defense Secretary and Task Force El Niño chair Gilberto C. Teodoro Jr. ang Department of Trade and Industry (DTI) na palakasin at pagtibayin ang presyo ng mga pangunahing bilihin at supply monitoring para protektahan ang mga mamimili mula sa mga mapagsamantalang manininda o nag-overcharge ng presyo sa gitna ng El Niño phenomenon.   […]

  • 20 milyong doses ng AstraZeneca vaccine kasado na

    Nakakuha na ang Pilipinas ng 20 milyong doses ng bakuna mula sa British drug group na AstraZeneca.   Ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., ngayong araw naka­takdang lagdaan ang tripartite agreement para sa kukuning bakuna laban sa COVID-19.   “Bukas nga po ay aming pipirmahan, lalagdaan po namin ang tripartite agreement na more or less […]

  • GARY, hinihiling na ipagdasal na hindi mahawa sa Covid-19; ANGELI, tanggap na nag-positive ‘wag lang ang asawa

    NAGPASALAMAT si Angeli Pangilinan-Valenciano sa mga nag-wish sa kanya ng ‘get-well soon’ dahil sa nag-positive siya sa Covid-19.     “Gosh, nagsilabasan lahat ng mga mahal ko sa buhay!”      Pero huwag daw mag-alaala sa kanya ang mga friends niya at nag-post siya ng: “Guess why I posted this? Here I am isolated because […]