Dahil magagalang at marespeto… RIO, pinupuri ang mga nakasama sa serye lalo na si RURU
- Published on July 25, 2024
- by @peoplesbalita
“Hmmm… wala naman akong bad experiences,” umpisang sinabi ni Rio, “kaya lang magkaibang-magkaiba ang panahon namin ng pagtatrabaho at sa panahon ngayon ng pagtatrabaho.
“Kasi ang napapansin ko talaga noong panahon namin mas grabe ang disiplina sa mga artista.
“Ngayon medyo mas laxed kaya yung mga arista ngayon medyo lax din sila. Pero ako nga sabi ko nga sa taping namin kapag yung mga kabataang artista lumapit lang sa akin o mag-tanong, humingi ba ng opinyon sa akin, humingi ng advise readily ibibigay ko iyong hinihingi nila.
“Pero hangga’t hindi sila lumalapit sa akin sino naman ako para pangunahan sila?
“Pero iyon, gusto ko sana na ma-instill sa bawat bago o iyong ngayong mga kabataang artista yung disiplina.
“Kasi importante iyon sa isang nagsisimula at tsaka kung gusto mo talagang magtagal, disiplina sa trabaho mo, pagmamahal sa trabaho mo, at siyempre pakikipagkapwa-tao mo, importanteng-importante iyon,” pahayag ni Rio.
Ano naman ang masasabi niya sa mga kasama niya sa Black Rider, sa pangunguna ni Ruru Madrid at Yassi Pressman?
“Ay wala po akong problema sa kanila,” sagot ni Rio.
“Mababait po talaga lahat at tsaka magagalang, marespeto.
“Si Ruru lagi akong inaalagaan kasi mahihirap ang mga eksena namin e, lagi siyang nakaalalay.
“Kahit saang set po ako mapunta, sa unit 1, sa unit 2, sinuman ang mga kasama ko nakaalalay po sila sa akin, kasi senior citizen.
“Iyon po, inaalagaan nila ako. Pag mabibigat na eksena, ‘Okay ka lang po Tita? Okay ka lang po?’
“Naa-appreciate ko iyon kasi pag dumating ka sa edad ko ngayon parang, parang iba na ‘yung pakiramdam mo.
“Siyempre wala na yung kumpetisyon ano, number 2 mas gusto mo na lang na nakakatulong ka o nahihingan ka ng tulong imbes na magiging pabigat ka.
“Gusto mo namang lagi kang mag-i-impart ng knowledge, yung may mai-impart ka na makakatulong ka sa kanila. Kaya iyon ang kahit papaano sa maliit kong kakayanan ay sana ay naibabahagi ko sa kanila.”
***
GAGANAPIN ngayong Biyernes, Hulyo 26 ang Man of the World 2024 sa Samsung
Hall sa Ayala Circuit, Makati City kung saan dalawampu’t tatlong male candidates mula sa iba’t ibang bansa sa buong mundo ang maglalaban-laban para sa prestihiyosong titulo.
Ang mga bansang kasali kung saan nagguguwapuhan ang mga delegates ay ang
AUSTRALIA (Amith Singh Saini), BRAZIL (Cassio Miguel Leles De Souza),
CAMBODIA (Siphun Rith), COLOMBIA (David Alexander Linares Solis), COTE
d’IVOIRE (Desire Kouassi), CZECH REPUBLIC (Rostislav Prochazka), DOMINICAN
REPUBLIC (Junior Radhomes Mendoza Taveras), ECUADOR (Sebas Mora),
ERITREA (Paulos Tecle), FRANCE (Gwen Jegouzo), INDIA (Lavesh Mohan
Bharambe), INDONESIA (Arya Dimas Aditya), ITALY (Nicolas Maggi), KOREA (Kim
Minseong), MALAYSIA (Edison Ho), MOROCCO (Simo Mansouri), PHILIPPINES
(Kenneth Cabungcal), PUERTO RICO (Fernando Padin), SINGAPORE (Joyner
Canlas Samson), SPAIN (Sergio Avila Lopez), UNITED KINGDOM (Kazim Keskin),
VENEZUELA (Sergio Azuaga) at VIETNAM (Doan Cong Vinh).
Nagkaroon sila ng National at Swimwear presentation kamakailan sa ballroom ng Winford Resort and Casino Manila at talaga namang nakamamangha ang kanilang mga National Costumes.
Tatlo ang nanguna sa kompetisyon na ito, Gold ang India, Silver ang Philippines at kapwa naman Bronze ang Ecuador at Singapore.
Tinanghal namang Best in Arrival Costume ang France (Gold), Brazil (Silver), at Czech Republic (Bronze).
Tinanghal namang Press Favorite sa gabing iyon (na nagsilbi ring Preliminary Competition at Charity Gala) ang Philippines na ka-tie ang Venezuela (Gold), Ecuador (Silver) at France (Bronze).
May tagline na “Masculinity with Responsibility” ang Man of the World 2024 ay mula sa Prime Event Productions Philippines Foundation, Inc. (ROMMEL L. GONZALES)
-
Nais rin na i-explore ang pagiging aktor: JUSTIN ng ‘SB19’, magso-solo muna sa pag-launch ng first single
NAKU my dear editor Rohn Romulo, nakahihinayang na hindi tayo naging bahagi sa solo event ni Justin de Dios ng paborito kong boy group na SB19! Magso-solo muna yata si Justin with his first solo single na ‘Surreal’ na nagkaroon ng grand launch kamakailan somewhere. Ipinapanood raw ang music video ng […]
-
WYATT RUSSELL TALKS ABOUT THE SINISTER POOL AND HIS TROUBLED CHARACTER IN THE SUPERNATURAL THRILLER “NIGHT SWIM”
Like his Night Swim character, Wyatt Russell (The Falcon and the Winter Soldier, Monarch: Legacy of Monsters) was a former athlete, one of the reasons director Bryce McGuire wanted him for the role of former baseball pro Ray Waller. For the actor, being able to draw on his own experience as an athlete definitely helped […]
-
Hundreds of Bulakenyos get jobs, livelihood packages on Labor Day Job Fair
CITY OF MALOLOS – In celebration of Labor Day, 79 Bulakenyo jobseekers were hired on the spot and 31 individuals received livelihood packages during the 2023 Labor Day Job Fair for Local and Overseas Employment spearheaded by the Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office in partnership with the Department of Labor and Employment […]