• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil nag-resign si Miss Thailand: Korona ng ‘Miss Interglobal 2021’, binigay kay Miss PH MIRIAM REFUERZO DAMOAH

BAGO pa man maganap ang Miss Universe pageant, nakapanalo ulit ang Pilipinas ng isa pang korona mula sa isa pang international beauty pageant.

 

 

Binigay ang korona bilang Miss Interglobal 2021 kay Miss Philippines Miriam Refuerzo Damoah pagkatapos mag-resign ni Miss Thailand Nachita Jantana. Si Damoah ang first runner-up kay Jantana sa naturang Nigeria-based pageant na ginanap virtually noong December 5. Ang second runner-up ay si Miss Chile Ivonne Sagredo.

 

 

Naglabas ng official statement ang Miss Interglobal organization via Facebook tungkol sa pag-resign ni Miss Thailand at sa paglipat ng korona kay Miss Philippines.

 

 

“Nachita Jantana, who was announced Miss Interglobal reign have abruptly come to an end.

 

 

“Nachita had recently informed us, the Miss Interglobal organisation, that due to personal reasons beyond her explanation, she will not be able to carryout her duties as the Miss Interglobal 2021. Therefore, she is relinquishing her position.

 

 

“For this reason, after discussion, we as an organisation have respected her decisions and the title of Miss Interglobal 2021 will be transferred to the 1st Runner-Up, Miriam Refuerzo Damoah of the Philippines.

 

 

“We wish Nachita the best on her life journey, and also to Miriam, as she takes up the role of Miss Interglobal 2021.”

 

 

Si Damoah ang unang Pinay na manalo sa Miss Interglobal. Siya rin ang ikalimang Pinay na manalo ng titulo sa taong ito pagkatapos nila Alexandra Faith Garcia as Miss Aura International 2021; Cinderalla Obeñita as Miss Intercontinental 2021; Maureen Montagne as Miss Globe 2021 at Samela Aubrey Godin as Miss Culture International 2021.

 

 

***

 

 

KAPWA nag-renew ng kanilang kontrata sina Gil Cuerva at Kate Valdez with GMA Artist Center.

 

 

Unang nakilala si Gil Cuerva sa Pinoy remake ng Korean drama series ‘My Love from the Star’ bilang si Matteo. Lumabas din siya sa ilang Kapuso shows tulad ng ‘Dear Uge: K-drama Rama’, ‘Daig Kayo ng Lola Ko: Ang Prinsipe at ang Feeling Api’, and ‘My Guitar Princess.’ at ‘Taste Buddies’.

 

 

“GMA feels like home. I never really considered leaving home. I’m just really grateful they have so much trust and belief in me. In return, that inspires me to do better and become better. So, I’m excited for this next chapter in my journey… I guarantee that I will always do my best in everything that I will do,” s  ey ni Gil.

 

 

Si Kate Valdez naman ay nagbida sa ‘Onanay’ at ‘Anak ni Waray vs. Anak ni Biday’.

 

 

“Sobrang laking pasasalamat ko po sa GMA and GMA Artist Center family dahil sa tiwala na binigay nila sa akin. Hindi ko ine-expect na kakayanin ko pala maging isang actor. Binigyan nila ako ng chance na ipakita iyon at mag-inspire pa ng mga tao. Nag-grow din ako as a person at mas nakilala ko ‘yung sarili ko, kung ano ba yung kaya kong gawin. I’m so grateful and I’m so blessed na nasa GMA ako. Maraming, maraming salamat po.”

 

 

***

 

 

WALA raw ibang bisyo ang aktres na si Myrtle Sarrosa kundi ang mag-cosplay.

 

 

Edad 14-years old daw siya noong magsimula siyang mag-cosplay or costume play na paggaya sa mga fictional character mula sa anime, video games, comic books o mga pelikula.

 

 

“Kasi noong time na ‘yun, may nakita akong Japanese cosplayer tapos ginagaya niya ‘yung isang favorite character ko. So when I was that she was doing that, sabi ko ‘Parang gusto ko rin itong gawin. Because of that, inipon ko lahat ng allowance ko para makagawa ng costume. Kasi noong time na ‘yun, ‘yung costumes ng anime characters, hindi mo siya mabibili,” sey ni Myrtle sa ‘Tunay na Buhay’.

 

 

Ayon kay Myrtle, hindi biro ang paggastos para sa cosplay. May costume daw siya na umabot ng P20,000 ang nagastos niya.

 

 

“Dati noong nag-uumpisa pa lang ako, mga P300 kasi ginagawa ko talaga siya from scratch. Pero ngayon since I’m working with multiple creators, aabot siya minsan P20,000. No regrets kasi ang ganda talaga ng costume na pinag-isipan naming magawa.”

 

 

Dahil sa kaniyang pag-cosplay, nawala raw ang pagiging mahiyain ni Myrtle, hanggang sa makilala na rin siya hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa international cosplay community. Naging daan din ang pag-cosplay niya para makapunta siya sa ibang bansa kapag invited siya sa mga event.

 

 

Sa ngayon, sumikat na rin si Myrtle sa gaming community, kung saan nagkakaroon siya ng libo-libong viewers sa kaniyang livestream.

 

 

Sey ni Myrtle: “Always do your best. Kasi hindi mo alam where life will take you. So in every path that opens up right in front of you just take it.”

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Pasahe sa jeep, posibleng umabot sa P50

    NANGANGAMBA ang isang commuters group na posibleng umabot sa P50 ang pasahe kung tuluyang mapapalitan ng mga modernong public utility vehicles (PUVs) ang mga tradisyunal na jeepney.     Ayon kay Julius Dalay, chairman ng Commuters of the Philippines, inaasahan na nilang magiging malaki ang epekto sa pasahe ng PUV Modernization Program (PUVMP) na isinusulong […]

  • Vice Ganda, isa sa nag-comment at sobrang excited: PAOLO, perfect host ng ‘Drag Race Philippines’ at pinasilip na ang first look

    SI Paolo Ballesteros nga ang napili na mag-host ng “Drag Race Philippines” na magsisimula nang mapanood sa August 17.   Ni-repost ni Paolo ang official social media post na may caption na, “MABU-HEYYY! Meet your HOST of @dragraceph: @pochoy_29.     “Start your engines, #DragRacePH premieres August 17th on @wowpresentsplus worldwide (except Canada) and @cravecanada […]

  • 3 kulong sa P340K shabu sa Valenzuela

    NASAMSAM ng mga awtoridad ang mahigit P.3 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa tatlo umanong drug personalities na naaresto sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief PLT Joel Madregalejo ang naarestong mga suspek na sina Jimmy Iligan, 46, construction […]