• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil naging matagumpay ang 2023 MMFF: COCO, may pinaplanong filmfest movie kasama sina BONG, LITO at ROBIN

DAHIL naging matagumpay ang 2023 Metro Manila Film Festival ay maraming bigating artista ang naghahandang sumali sa 50th MMFF sa December.

 

On going na ang pagpaplano ng isang pang-MMFF film na pagsasamahan daw ng mga bigating senador na sina Bong Revilla, Robin Padilla at Lito Lapid.

 

Hindi lang daw ang tatlong senador ang bida kungdi kasama pa rin nila ang Kapamilya aktor na si Coco Martin.

 

Nagkaroon na raw ng initial meeting at present lahat ng apat na nabanggit na pangalan.

 

Mukhang wala na raw problema sa pagsasama ng apat dahil inaayos na ang kanilang schedules.

 

Si Brillante Mendoza raw ang magdidirek ng naturang movie na binubuo pa rin ang istorya at kung anu-ano ang magiging role ng bawat isa, huh!

 

***

 

ISA pa rin sa possible entry pa rin sa 2024 MMFF ay ang pelikulang pagsasamahan naman nina Judy Ann Santos, Gladys Reyes, Claudine Barretto at Angelu de Leon.

 

Sa wedding anniversary ng mag-asawang Gladys at Christopher Roxas, nabalitaan ang nasabing proyekto pero mismong si Claudine ang umayaw kung kasama raw nila si Angelu.

 

But still decided na raw ang producer na ang apat ang magiging bida sa untitled film na planong ilahok sa taunang MMFF.

 

Kaya nga raw may gumawa ng move na ayusin ang pinagmulan ng gusot sa pamamagitan nina Claudine at Angelu.

 

Bukod sa movie with Coco, Bong, Robin at Lito and yung kina Judy Ann, Gladys, Angelu and Cladine mas masaya at mas exciting abg 50th Metro Manila Film Festival kung pagsamahin din sa isang movie sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano and Nora Aunor, huh!

 

Magsasama sa isang movie ang Star for All Seasons, Megastar, Diamond Star at ang Superstar, bongga di ba?

 

May susugal kayang produ?

 

Four versus four versus four…

(JIMI C. ESCALA)

Other News
  • Tricycle driver patay, barangay tanod sugatan sa pamamaril sa Malabon

    TODAS ang isang 42-anyos na tricycle driver matapos pagbabarilin ng hindi kilalang gunman habang malubha namang nasugatan ang isang barangay tanod na nakasaksi sa insidente nang barilin din ng isa sa mga suspek sa Malabon city, Linggo ng gabi.     Ayon kay Malabon police chief P/Col. Joel Villanueva, dead on the spot si Ruben […]

  • China handang makipagtulungan sa North Korea para sa regional at global stability

    HANDA si Chinese President Xi Jinping na makipagtulungan kay North Korean leader Kim Jong Un para sa regional and global peace, stability and prosperity ng North Korea.     Ito aniya ang laman ng sulat na ipinadala ng lider ng China sa North Korea.     Hindi na rin binanggit pa ng North Korea ang […]

  • Bebot, 2 pang tulak timbog sa P100K shabu sa Navotas

    TATLONG hinihinalang tulak ng iligal na droga, kabilang ang isang bebot ang arestado matapos makuhanan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.     sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Ponce Rogelio PeƱones Jr, sinabi ni Navotas police chief P/Col. Allan Umipig […]