• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil nakakuha ng special beauty award: HERLENE, kinabog ang ibang candidates ng ‘2022 Binibining Pilipinas’

KINABOG ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang ibang candidates ng 2022 Binibining Pilipinas dahil siya ang nakakuha ng special beauty award mula sa isang cosmetic sponsor ng pageant.

 

 

 

Hinirang na ‘Miss Black Water 2022’ si Hipon Girl at masaya itong tinanggap ang award, hindi lang daw para sa kanya kundi para sa mga katulad niya na inaalipusta at pinagtatawanan dahil kapos daw sa pisikal na kagandahan.

 

 

 

“Panibagong araw hatid ay panibagong pag-asa. Maraming salamat sa iyo dakilang Ama sa blessings na tinatamasa ko ngayon. Congrats din sa mga Binibini Sisterakas ko sa mga award nakuha nila. God bless u all mga Ka-Squammy at Ka-Hiponatics ko!,” mensahe pa ni Hipon.

 

 

 

Dagdag pa niya ay isang mensahe ng pag-asa: “Ang kakisigan ay kapag ang loob ay kasing ganda ng labas.”

 

 

 

Nagpasilip na rin ni Herlene sa TikTok ang konting reveal sa kanyang magiging signature na irarampa niya sa coronation night ng Binibining Pilipinas pageant.

 

 

 

***

 

 

 

KUNG ‘di pala dumating ang teleserye na Destiny Rose, isang flight attendant o piloto na pala sana ang Kapuso actor na si Ken Chan.

 

 

 

Di raw kasi panay ang dating ng projects noon kay Ken kaya naisip na niyang magbago ng career para maka-provide sa kanyang pamilya.

 

 

 

“Mukhang ayaw naman sa akin ng showbiz sabi ko. So kailangan kong buhayin ‘yung sarili ko, kailangan ko din pong buhayin’ yung pamilya ko so I have to decide. Nag-decide ako na magtrabaho sa airline.

 

 

 

“Isa ‘yun sa dreams ko talaga, maging flight attendant and eventually maging piloto. But God and GMA network gave me Destiny Rose. Dahil sa Destiny Rose kaya po until now, nandito pa rin po ako,” sey ni Ken na nagbago ang takbo ng career.

 

 

 

Ngayon ay isa siya sa top leading men ng GMA at naging bida na sa mga teleserye na Special Tatay, One of the Baes, Ang Dalawang Ikaw at Mano Po Legacy: Her Big Boss.

 

 

 

Bukod sa marami ng negosyo si Ken, bumalik siya sa recording at ni-release kamakailan ang single niya titled “Quaranfling” under GMA Music.

 

 

 

***

 

 

 

PUMANAW na ang Hollywood actor na si Ray Liotta sa edad na 67 noong nakaraang May 26.

 

 

 

Ayon sa report, hindi na raw nagising ang aktor mula sa kanyang pagkakatulog sa kanyang tirahan sa Dominican Republic kunsaan nagsu-shooting siya ng pelikulang Dangerous Waters.

 

 

 

Pinanganak sa Newark, New Jersey si Liotta at lumaki siya sa isang orphanage. Inampon siya sa edad na 16 months. Nakapagtapos siya sa University of Miami at noong lumipat siya sa New York, naging TV debut niya ay ang soap opera na Another World in 1978.

 

 

 

Kilala sa kanyang husay sa drama at comedysi Liotta sa mga pelikulang Goodfellas, Field of Dreams, Something Wild, Dominick and Eugene, Unlawful Entry, Cop Land, Unforgettable, Blow, Hannibal, Wild Hogs, Date Night, Wanderlust, Muppets Most Wanted at Marriage Story.

 

 

 

Naging regular naman siya sa 2016 series ni Jennifer Lopez na Shades of Blue. Huling natapos niyang pelikula ay ang Cocaine Bear na dinirek ni Elizabeth Banks.

 

 

 

Sa kanyang pagiging aktor for almost 50 years, nanalo siya ng Emmy, Golden Globe at Screen Actors Guild Award.

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Kadiwa outlets ng Marcos administration, nakapagsilbi ng 1.22-M households

    INIULAT  ng Office of the Press Secretary (OPS) na nasa 1.22 million households ang napagsilbihan ng Marcos administration sa mga Kadiwa outlets. As of November nitong taon nakapagtala ng P418 million na kita ang 19, 383 Kadiwa selling activities ng pamahalaan. Naka-benepisyo naman dito ang 450 farmer cooperatives and associations (FCAs) at agri-fishery enterprises sa […]

  • Pagbabalik ng ‘in person classes’ malaking tagumpay vs COVID-19 – VP Sara Duterte

    TINAWAG ni Vice president at DepEd Secretary Sara Duterte-Carpio na “malaking tagumpay” para sa mga kabataang Pilipino ang pagsisimula ng in-person classes, Agosto 22.     Pinangunahan ng bise presidente ng bansa ang National School Opening Day Program nitong Lunes sa Dinalupihan Elementary School sa Bataan.     Sa kanyang talumpati, sinabi rito na buong […]

  • Maraming natutunan sa mga nakarelasyon: JEAN, mahilig sa mga bad boy kaya ‘di naging successful

    MARAMI raw natutunan si Jean Garcia sa kanyang mga naging karelasyon noon.   Hindi man daw perpekto lahat, pero importante raw yung may respeto sila sa isa’t isa. “Ang natutunan ko, sa dami ng relasyon din na dinaanan ko, siguro number one is respeto talaga. Respeto at pagtanggap. “Kapag pinili mong mahalin ang isang tao […]