Dahil pasong-paso sa public relationship… BEA, non-showbiz guy na ang gustong naka-date
- Published on August 14, 2024
- by @peoplesbalita
HINDI pa rin nawawalan ng pag-asa si Bea Alonzo sa pag-ibig kahit nauuwi sa hiwalayan ang kaniyang nagdaang mga relasyon.
Sa nakaraang episode ng programa ni Boy Abunda na “My Mother, My Story,” inihayag ni Bea na “I never lost hope in love.”
“I’ve always been a hopeless romantic, and I still believe there is someone out there for me,” ayon sa aktres.
Sinabi ni Bea, na gusto niyang maka-date ang lalaki na hindi taga-showbiz at maging privately sa pagkakataong ito.
“Ayaw ko na ng public na relationship ever again,” saad niya.
“Pasong-paso na ako.”
“I really learned my lesson the hard way,” sabi pa ni Bea.
Bukod sa hindi taga-showbiz, gusto ni Bea na maka-date ang lalaki na “man enough to handle me.”
“Someone who will love me unconditionally and someone who will never give up on me,” patuloy niya.
Nitong nakaraang Pebrero nang makumpirma na ang paghihiwalay nina Bea at aktor na si Dominic Roque.
Plano sana nilang magpakasal ngayong taon matapos ma-engage noong July 2023.
Napapanood ngayon si Bea sa top-rating Kapuso murder-mystery series na “Widows’ War,” kasama si Carla Abellena, Jean Garcia at marami pang iba.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Pablo tumawid sa Petro Gazz
SA Petro Gazz sa maglaladlad ng galing ngayong taon ang isa sa mga star ng Premier Volleyball League (PVL) na si Myla Pablo. Sasama na sa Angels ang three-time Finals Most Valuable Player sa Inspire Sports Academy training bubble camp sa Xalamba, Laguna sa Abril para sa pagbubukas ng unang torneo ng propesyonal […]
-
Tinupad ang pangakong ‘di iiwan ang ABS–CBN: KATHRYN, naging emosyonal sa pagpirma ng bagong kontrata
MAY mga negatibong reaksiyon ang nga netizen sa napanood nilang trailer ng “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto. Kung may mga kinilig pero higit na nakararami ang hindi sang-ayon sa “love angle” ng mga roles na ginampanan nila. Malaking agwat ng edad ng dalawang bida […]
-
Tumatalakay sa mental health at suicide… Direk NJEL, maghahatid ng napapanahong pelikula na ‘Must Give Us Pause’
ISANG napapanahon na pelikula ang hatid ng award-winning writer-director na si Njel de Mesa, ang “Must Give Us Pause,” na tungkol sa mga taong nawalan ng minamahal sa buhay nung pandemya at hindi man maayos na makapagpaalam. Ang “Must Give Us Pause” na idinirehe, isinulat, at prinodyus ni Direk Njel na ang mga […]