• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa karangalang ibinigay sa mga filipino at sa bansa: Malakanyang, nagpasalamat kay Pacquiao na opisyal nang namaalam sa boksing

NAGPAABOT ng pasasalamat ang Malakanyang kay Sen. Manny Pacquiao na opisyal nang namaalam sa larangan ng boksing.

 

“Well, nagpapasalamat tayo kay Senator Pacquiao because he has honored the country with his many successes and we share in the joys of his triumps as well as in his defeats,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.

 

Isang malaking karangalan aniya na isang filipino ang tinaguriang Pambansang Kamao.

 

“We are proud that he is a filipino. and he has also made us very proud to be filipino,” ani Sec. Roque.

 

Sa ulat, emosyonal nang namaalam si Pacquiao sa larangan ng boksing.

 

Sa isang recorded video ng senador, kabilang sa pinasalamatan ni Pacquiao ang lahat ng tumulong sa kanya para magtagumpay sa boxing mula sa kanyang kamag-anak na si Zardo Mejia na nagdala sa kanya dito sa Maynila hanggang sa Amerika.

 

Pinasalamatan din niya ang asawa na si Jinkee, ang limang anak, mga magulang gayundin din si Freddie Roach na hindi lang umano niya coach kundi kaibigan at kapamilya na rin maging si Bob Arum ng Top Rank Promotions.

 

Pinasalamantan din ng Senador ang Diyos dahil hindi umano siya magtatagumpay kung hindi dahil sa Panginoon, at ang media na nagsasalaysay ng kwento ng kanyang buhay gayundin sa taumbayan at sa mga boxing fans.

Other News
  • Konstruksyon ng MRT 4 tumaas ng P28 billion

    NAGPAHAYAG ang Department of Transportation (DOTr) na magkakaron ng karagdagan gastos ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 4 dahil sa pagbabago ng design at technology na gagamitin.       Ang pamahalaan ay kinakailangan gumastos ng kabuuang P87 billion upang matapos ang civil works at ang pagbili ng systems at trains na gagamitin sa […]

  • Japanese tennis star Naomi Osaka nanguna sa highest paid athletes ng Forbes

    KINILALA ng Forbes magazines bilang world’s highest-paid femaile athletes si Japanese tennis star Naomi Osaka.     Mayroong $57.3 milyon mula sa kaniyang prize money at endorsement ang kaniiyang nalikom noong nakaraang taon.     Ang listahan ay inilabas isang taon mula ng umatras si Osaka mula sa French Open para mag-focus sa kaniyang mental […]

  • LTFRB, ‘di pinagbigyan ang hiling ng ilang transport group na dagdagan ng piso ang minimum fare

    HINDI pinagbigyan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kahilingan ng ilang grupo ng mga tsuper at operator ng jeepney na dagdagan ng piso ang minimum fare sa mga pampublikong transportasyon.     Ito ay sa gitna pa rin ng walang humpay na pagsipa ng presyo sa produktong petrolyo sa bansa na itinuturong […]