• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil sa kawalan ng trabaho at problema sa pamilya, kelot nagpakamatay

ISANG 33-anyos na lalaki ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang sarili dahil umano sa depresyon dala ng kawalan ng trabaho at problema sa pamilya sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

 

 

Kinilala ni Malabon Police Sub-Station 3 commander P/Maj. Carlos Cosme ang biktima na si Charie Odtuhan ng No. 9 Camia St. Brgy. Maysilo.

 

 

Sa report ni homicide investigator P/SSgt. Jeric Tindugan kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, dakong alas-3 ng hapon nang makalanghap ng mabahong amoy ang byudang ina ng biktima na si Candelaria Odtuhan, 62, traffic enforcer mula sa kuwarto ng anak.

 

 

Nang buksan ng ina ang kuwarto, laking gulat nito nang makita ang anak na naliligo sa sariling dugo at nasa tabi nito ang isang baril na naging dahilan humingi siya ng tulong sa SS-3.

 

 

Ayon kay Maj. Cosme, narekober sa tabi ng biktima ang isang caliber .38 revolver, isang basyo ng bala at isang fired bullet.

 

 

Sa imbestigasyon ni SSgt. Tindugan, dumaranas umano ang biktima ng depresyon dala ng kawalan ng trabaho at problema sa pamilya.

 

 

Nag- execute naman ang kanyang ina ng isang waiver na naniniwala siyang walang naganap na foul play sa pagkamatay ng kanyang anak. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads February 12, 2021

  • 2 kelot na wanted sa kaso ng pagpatay, timbog sa Caloocan

    DALAWANG lalaki na kapwa wanted sa kaso ng pagpatay ang nakalawit ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operations sa Caloocan City.     Sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng District Special Operation Unit (DSOU) sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Major Marvin Villanueva na naispatan sa Brgy. 8 ang presensya ng akusadong si […]

  • Gov’t workers group humirit ng P21,000 monthly minimum wage

    NANAWAGAN ang Confederation for Unity, Recognition, and Advancement of Government Employees (COURAGE) sa pamahalaan na itaas ang minimum na buwanang sweldo para sa mga state workers.     Ito ay dahilan pa rin sa walang tigil na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at bilihin sa bansa.     Sa isang statement ay nanawagan ang […]